Paglilihi ?

Hi mga sis. Kwento ko lang yung nangyari sakin nung naglilihi ako 2 months hehe natatawa lang ako pag naalala ko. Hindi ko alam kung totoo ba sinasabi nila na PAG HINAKBANGAN MO ASAWA MO MALILIPAT SAKANYA YUNG PAGLILIHI. Ganyan kasi nangyari samin dalawa diko sinasadyang mahakbangan siya kasi iihi ako kaya bumangon ako eh naka harang kasi siya di ako makaka baba pag diko siya hinakbangan kaya humakbang ako nun eh FTM naman ako kaya wala akong ka alam2 sa mga ganyan. Kinabukasan ito na nga nangyari bigla siyang nasuka na namumutla akala ko napano siya kinapa ko noo niya kung nilalagnat ba hindi naman tapos sunod na araw lagi siyang matamlay, kada kain namin sinusuka niya pagkatapos, maarte din siya sa ulam, pag patak ng 6pm lantang gulay siya. Eh naawa ako kasi pumapasok siya ng work eh ako kasi pinatagil niya na mag trbhu kasi malayo baka matagtag daw ako kaya pinatigil niya ako. Tapos yung sobra ko pang kinainan pinapakain ko sakanya siya naman din kasi kinakain niya din ? kaya pag ganun nagiging matamlay siya. Nagtataka nga mga ka work daw niya kung anong nagyayari sakanya eh kasi pag break time niya imbes na kakain dapat tinutulog niya nalang pakiramdam daw kasi niya nahihilo siya at parang matutumba. Ayon na nga nag sumbong sa mama ko kung anong nararamdaman niya sabi ng mama ko nahakbangan ko ba daw asawa ko sabi ko oo eh ? ayon napagalitan ako alam nmn daw pumapasok sa trbhu hinakbangan ko pa daw napagalitan tuloy ako (malay ko ba). Todo sabi pa ako sakanya nun na wag kang magsasaway ng mukha ng makikita mong mukha ng mga tao ha! Hehe? Buti nalang pag 3 months ko nawala yung suka thing niya hehe.. Pag sumusuka siya nagtatago agad ako sa kwarto eh baka magalit sakin at sisihin ako na hinakbangan ko siya pero hindi nmn nagalit niyayakap niya lang ako pagkatapos niya mag suka hahaha Ako ang takaw kumain siya naman maselan hehehe.. ?? Sorry na pahaba mga sis. P.S Sa mga naglilihi jan na mga mommies wag niyo nlng hakbangan mga asawa niyo kawawa eh. ?? Pag nahakbangan daw natin paligu.an daw ng tatlong tabong tubig yung pagulat daw para daw mawala yung paglilihi. Dapat tayo ang mag paligo hahaha ?? Kayo mga mommies anong kwento ng paglilihi niyo??

1 Replies

VIP Member

Naaalala ko tulky yung sa friend ko nangyari din to sa husband niya, di niya rin naman sinasadya. Kaya kapag may nadadaana silang tindahan kung anu ano daw gusto kainin ng husband niya 😂

Truee sis. Di ko lang ginawa yan kay LIP kase gusto ko din talaga ma experience lahat haha. Kaso di naman ako naglihi masyado noon.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles