Dapat ba akong magalit?

Mga sis gusto ko lang humingi ng opinion nyo. Nagalit kasi ako sa asawa ko dahil pupunta sia sa birthday ng barkada nia which is inuman at gabi pa. Sabi ko sknya last week wag sia pumunta kasi inuumaga sia ng uwi. Pero hindi sia nakinig sakin. Nagpunta pa din sia. Alam ko namang minsan lang magbirthday ang isang tao kaya dapat pag bigyan ko pero once a week lang kasi sia nauwi. Once a week na nga lang namin sia makasama ng anak namin tapos hindi uunahin pa nia ung birthday ng barkada nia. Naiintindihan ko naman pero d ko maiwasang magalit tlaga. Ang sama sama ng loob ko. Alam mo ung hnd na nga sia nag aalaga sa anak namin, tapos ung oras na nandito sia hindi pa nia maibigay para sa anak namin. Nakakaiyak lang. Lage na lang ako umiintindi ???

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako magagalit at sasama din ang loob ko. May puntos ka sis, pero sana yung husband mo maging sensitive din naman sya sa feelings ng wife nya at pati naman sa mga anak nya ay dapat mabigyan nya ng priority. Sa susunod sis kapag umulit pa sya ng ganyan ay kausapin mo na sya ng seryoso, iparamdam mo sa kanya ang pagkukulang nya. Kasi baka hindi nya nalalaman ang pagkukulang nya sa inyo.

Magbasa pa

naku,sana naman naisip niya spend nalang yung araw na yun para sa inio,not to brag naman mumsh pero mister q,di naging ganean,pag may birthday na barkada magpapaalam yan ng maayos at uuwi agad,kasi kahit sya mismo di niya kaya ang malakasan na inuman,at mag gsto niya na lumabas nalang kmi mamasyal kesa sa laging barakada,

Magbasa pa

Daanin mo sa silent treatment. Ndi masyado madami sinasabi pero pinaparamdam mo na mali sya. Tapos kapag magsasalita ka sa knya make sure na tagos sa kanya. Minsan kase nawawalan ng gana makinig mga asawa natin sa atin kasi dami natin hanash. Nttunan ko na mas konting salita mas okay pero tagos. Heheh.

Magbasa pa

Ako sayu sis payagan nyu nlg po muna. minsan need dn ntn mghang out sa friends at barkada ntn. enjoy2 din ba.. as long as wala sila kgagohan na ginagawa un ung importante. Pero I do understand na gsto dn ntn un time ng hubby ntn he should have reassured you imbis na nd sya kuminig sayu.

Pag may anak na talaga wag ng makig inuman sa barkada, tsk! Sabihin Mo Sa husband Mo na intindihin mo naman kami, intindihin mo kami ng anak Mo. Naku sis pag may nangyari masama asawa ang kawawa barkada tago tago lang . Sa inuman present Sa problema maraming dahilan

Control mo nlng galit mo sis. Basta next na uwi nya dapat kasama nyo na sya. Kung entertain mo kasi galit mo baka mag away laang kayo mas mahirap yon. Sabi mo nga minsan nga lang sya umuwi. Magaaway pa kayo idi mas dihado. May next time pa naman sis.

Valid yang galit mo. Aba! Pamilyado sya at bihira makasama anong gusto nya sya lagi ung tama!? Hindi maganda yan. Dapat alam nya limitasyon at prioridad nya sa buhay. Unless walang pakialam asawa mo sa nararamdaman mo at di ka nirerespeto.

Nako sis, tama ka naman. May responsibilidad yung asawa mo sa pamilya niya, at hindi na siya binata. Pwede naman din na dumaan lang siya sa birthday at hindi na nagtagal, pero inumaga na siya eh. Dapat pag-usapan niyong mabuti yan sis

Magbasa pa

Sana nagkasundo nalang kayong papayagan mo siya, pero saglit lang siya pumunta at nagset ng time ng uwi niya. Yung maaga aga para meron din kayong bonding family.

Ganyan din asawa ko..buhay binata single sa fb kht magdadalawa na anak namin. Dko na pinupuna..sawa na ako..basta magbigay xa ng pangangailangan ng mga anak ko.