Late filing of SSS Maternity Notification: What to do?

Hi mga sis, first time preggy here. Now lang po ako kapag file ng SSS Maternity Notification ko and I am already at my 19 weeks of pregnancy. Sabi po ng HR namin baka daw ma-late filing na ako, meaning po BAKA DAW HINDI NA MAAPPROVE ang SSS Maternity Notification ko. Ibig sabihin po wala akong makukuhang benefits sa SSS kapag nanganak na ako. Ang rason ay dahil lang late na daw ako nag file ng Maternity Application ko. Ang tamang pagfi-file daw po is from the time na may positive transV result ka na until maximum of 3rd months lang ng pregnancy (12 weeks). I admit at some point may mali ako, kasi I should ask. Pero since first pregnancy ko po ito ang dami ko pang hindi alam. Ang akin lang parang unfair naman kung hindi nila igrant yung maternity benefits ko, active payer naman ako and Contributor ng SSS mula pa nung nag katrabaho ako. Parang hindi naman po tama kung hindi nila igrant yun diba po..? Meron na po bang naka experience na dito ng late filing of SSS Maternity Application and ano pong nangyari? Please give me advice naman po kung ano ang mga requirements and if may sample po kayo ng proseso. Nakakastress po kasi toh eh.. I felt really bad. ? ? TIA.

169 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

28weeks ako nung nagfile. hanggang sa day before ka manganak pwede ka magfile ng maternity notification. ikaw na ang magfile directly sa sss. maling-mali ang hr niyo sa pinagsasabi niya.

VIP Member

False info naman si HR niyo, 5 mos na tummy ko nung mag file ako noon. Kung ayaw niya, pwede namang ikaw na directly magfile nun. Or ifile nila tapos ikaw nalang magfollow up sa SSS

My gosh tamad lang yang hr nyo sis.. Pwede ka magfile nyan sis basta before ng due date mo para sa mat1 mo.. Then pag nanganak kana mat2 naman ifile mo para makuha mo na pera mo..

VIP Member

Wag ka maniwala sis. May nakita ako 6months preggy na pero kaka-file lang din ng maternity notification sa sss. Yan mahirap pag may work ka eh, minsan tamad HR mag ayos ng papers.

di po yan totoo feeling ko. kasi ako mag 6mos na kong preggy nung nagfile po ako e. Mahalaga lang may hulog ka ng 3mos (na within 1yr and before ng third trimester mo.)

Pwede yan sis.. File mo lang sa hr nyo pra maprocess agad nila.. Yung skn gnyan dn late filling.. Nkpagfile na ako after non niraspa ako.. And na-approve naman xa..

NO. 6months preggy na ako and I havent filed my mat1 yet. Binigyan lang ako ng checklist ng HR and she confirmed atleast 60days before due date daw ang pagpapasa.

Hi sis, I filed mine I am 23 weeks pregnant na. Pero I am a volunteer. Hindi ako sure kung pareho ng process sa employed. Nakakuha pa naman ako ng Maternity Benefits.

5y ago

hi po mag kano nakukuha pag voluntary salamat po

Hi mamsh! Pwede niyo po basahin itong article na ito: https://ph.theasianparent.com/how-to-compute-and-claim-your-sss-maternity-benefit Sana po makatulong :

Ako sis kakafile ko lang online ng maternity benefit. 8 months pregnant na ako non. Nung pumunta ako sa sss nung isang araw, ok naman wala sila iba sinabi