Baby' Movement (I'm Worried ? Please Help Me)

Hi mga sis, ask ko lang po. Medyo worry po kasi ako eh.. I'm 21 weeks pregnant now. First time preggy po ako. Last 2 weeks ako ko lang po naramdaman movement ni baby, that time sa tagiliran ko sya gumagalaw either left or right side ng tummy ko. Pero recently sa baba ng pusod ko na nararamdaman yung movement nya parang malapit na sa vagina ko. Wala po akong nararamdamang pain sa tummy ko, no spotting din po. Pero nagaalala po ako para sa baby ko. Hindi po ako mapakali. Normal lang po ba yung sa baba ng pusod, malapit sa vagina ko sya nararamdaman gumagalaw? Need ko na po ba Magpacheck up? TIA.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sana nga po okay lang. Nagaalala po kasi talaga ako eh. Parang konti na lang asa pempem ko na si baby. Pero wala po akong kahit konting unusual pain na nararamdaman, no spotting din po. Hoping may baby is fine. Nakakapraning pala maging first time mom. Lahat kasi bago sakin kaya konting kibot paranoid na agad ako..

Magbasa pa

Normal naman po sya sis.. wag ka mag alala, saka samahan mo ndin ng panalangin.. Lagyan monsya music bandang puson nagrereact sya pag ganun, ung baby ko ganyan napakalikot.. kakaihi ko lang maya iihi na naman nasasagi nya ata ung pantog ko ee haha

I think po normal nmn po sya kc ganyan din po ang sakin feeling ko nga nung una sumisiksik sya sa ibabaw ng pempem ko 🤣 pinacheck ko po un later 23 months normal lng nmn daw po n sumisiksik c baby. Pero if worried po kayo tlaga ask your OB po.

I think normal naman po yan. Pwede mababa ang pwesto ni baby. Ang alam ko po pag mababa ang baby you need more rest. Iwasan ang nkakapagod na gawain. Pero pra sure magpacheck up po kayo. Iba pa din pag galing sa doctor 🙂

Yes normal lang, breech position siguro yan. Same sakin. 23weeks na ako at nagpa'ultrasound. Okay naman si baby, walang problema.

5y ago

Oo try mo, sana magpakita yung baby mo. Sakin kasi ayaw bumukaka kaya di ko nakita gender ni baby. Huhu sayang. Excited pa naman kami kanina ng asawa kp bumili ng mga gamit ni baby.

Its normal sguro base on my own experience po... Ganyan din po yung sakin before yung feeling na parang lalabas na cya ahahaha

5y ago

Opo ganun nga po pakiramdam ko. Feeling ko kapag naglilikot si baby parang lalabas na sya kasi ang lapit-lapit nya lang sa pempem ko.

VIP Member

Umiikot po kasi ang mga baby. Pero kung di po kayo mapakali talaga pacheck po kayo. First time mom lang din po 😂

Parehas tayo momsh ngaun..yan fin nararamdaman ko po 21weeks din po ako.. 😊😊😊

Naramdaman ko din yan around that week po. Normal lang naman sya.

Okay lang yan. Baka lumipat na sya ng pwesto kaya ganun.