70 Replies

Lalabas lang po yan pagka panganak nyo. First 2 days po, ang mailalabas lang na amount na gatas sa suso nyo is isang kutcharitang gatas na tinatawag na colostrum. Yan po ang magsisilbing natural antibiotic ng bata na nagpo-protect sa kanya from any infection etc., kaya napaka importante na mapa dede ang bata sa suso ng ina the first 2-3 days. I google nyo po "colostrum". Sa picture, yung yellow ang colostrum, yung isa naman ang breastmilk. Check nyo din po ang link na ito. https://www.medela.com/breastfeeding/mums-journey/colostrum

Meron po talagang hindi agad nagkakagatas.mas maganda po magbreatfeed ka pa din kahit bigyan mo muna ng formula king talagang wala pang lumalabas,tiyaga lang po kau imasahe ang breast nyo araw araw.tapos try to pump every 3 to 4hrs po.ako after ko manganak,ginawa ko lang yan pahat 1 week bago lumabas ang gatas ko,mahina xa 2ml lang nakukuha ko,pero sa pagtitiyaga mo mag pump every 3 to 4 hrs tapos ipapalatch mo din kay baby habang tumatagal dumadami po xa.and kain ka ng masasabaw at inom ng maraming tubig.

Antayin mo muna manganak k bgo mo sabihin n wala k tlga milk. Ako din hindi agad ngkagatas pero pinaLatch ko lang sa baby ko kahit mgkasugat-sugat n nipple ko sa sobra konti ng milk nkukuha nya, ayun ngkaron nman po..tinuruan din ako ng nurse sa NICU pano pgmassage ng breast para lumabas un milk, ngClogged kasi yun sakin. As much as possible gusto ko EBF, pro dahil konti milk ko, 1-2x a day, bottle feed ko sya Enfamil A+

VIP Member

Tyaga lang sa pag papalatch mommy. Ganyan din po ako nung labas si bby. Wala sya masipsip kaya po I tried na mag search sa internet kung ano maganda gawin drink lots of water po plus malunggay capsule at minassage ko po ung breast ko and prayer po ayun po, binigay ni Lord til now nag bbreastfeed po kami mag 2 years old na si bby

Ako mommy ganyan din. 5days pagkapanganak ko mejo dumami. But after 3weeks i decide to fed him formula. Kasi naaawa na ko sa baby ko iyak ng iyak. After nya dumede sa bote satisfied ako na busog siya. Kaya ayon mix feeding ako sakanya. Wala din kasi akong mapump e. If gusto mo iformula si baby. Nirereseta ng pedia yon momsh.😊

Kusa ka po magkakagatas once nasusuck po palagi ni baby yung breast mo. Wag po formula agad. Mahal na di pa gaano maganda benefits unlike breastmilk. 0ag nagbreastmilk siya less sakitin pa si baby. Try and try lang po. Walang babaeng walang gatas... konting tyaga lang po. Drink or eat foods po na pampalabas or dami ng gatas.

Pinalatch ko si baby pagkapanganak ko may nakuha naman syang gatas kaso nung sumunod na araw konti lang at parang wala syang makuha, pinainom ko ng formula at yung milk nya Bonna thankfully kakainom ng masasabaw, nilagang malunggay, Tubig at paglalatch Kay baby nagkagatas na din ako nung Gabi..

Magkakaron ka ng gatas mamsh pag labas ni baby ganyan dn po ako nung buntis pa akala ko wala talaga akong gatas after 3-4 days pa bago lumabas talaga milk ko halos nagwawala si baby nung dumedede skn ksi nakukulngan siya .. Patience lang mamsh meron yan mas maganda parin ang gatas ng mommy ..

Kusa pong magpo-produce ng breastmilk ang katawan nio, mommy. I-breastfeed nio po ang baby nio until 6 mos. and mas better kung hanggang 2 y/o. madami pong natural benefits ang breastmilk sa inyo lalo na sa baby. Pls remember, breastmilk ang kino-konsider na pinaka-unang vaccine ni baby.

VIP Member

8 months preggy na din ako. Balak ko talaga is pure breastfeed, at nag woworry din like you na baka wala pang gatas na lumabas sakin. Iniisip ko pa pano kung ilang days na, wala pa din akong gatas. Ayoko gumamit pa naman ng formula, kaya next check up, yun ang itatanong ko sa ob ko

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles