2 Replies

naging concern ko din ito.. hindi ko na kinaya kaya nagpacheck up na ako kay ob kahit hndi pa araw ng visit ko. Nababasa kasi underwear ko pero hndi naman basang basa, may stain sya na basa lalo na kapag nasa work ako at nagkikikilos hindi ako kumportable.. lagi ko naman tinutyo ng tissue ang pwerta ko kapag umiihi ako kaya hndi ko din sure if ano yung nagccause ng basa. Malakas ako uminom ng tubig at maya maya ang ihi ko. kada ihi siguro 2-3glasses iniinom ko kaya minsan 30mins lang naiihi nanaman ako. Pag punta ko po kay Ob ang speculum test po sya which is may ipapasok po na speculum sa pwerta at pinaubo po ako mga 5 times palakas ng ng palakas to see if may tumatagas talaga, wala naman daw po. plus pinag BPS ultrasound ako to see my amniotic fluid if sapar pa ba. luckily okay din naman.. Pero base sa urinalysis ko may infection ako. Ayun 7 days antibiotic ako..

Hndi po panubigan.. May uti daw po ako.

VIP Member

Tumutulo lang sya, hindi mo mapigilan. Iba ung amoy nya sa wiwi.

Open na cervix ko? pero 33weeks palang ako momsh at wala nmn akong nararamdamang sakit bukod sa paninigas ng tiyan

Trending na Tanong