child abuse

mga sis ano ginagawa nya kapag nakakakita kayo ng nanay na grabe saktan ang anak.. kapitbahay namin kung saktan anak nya akala mo hindi bata 2 years old palang kapag kunukulit sya kahit nakaharap kami tinutulak nya yung anak nya wala sya pake kung san tumama kapag mainit ulo nya sa anak nya binunbunton hihilahin nya kahit magkapilay pilay sige lang kukurutin sisigawan papaluin sasabunutan mumurahin nya pinakamasakit pa minsan pinapabayaan nya lang anak nya umiyak kapag narindi sya sasaktan nya ulit.. minsan naisip ko ivideo kaso sabi ni mister wag ko na daw pakeelaman baka madamay pa ko kaso bilang ina awang awa ako sa bata kapag nakikita nga nya lola nya ayaw na sumama sa nanay tapos puro cp ang nanay ang tatay puro laro sa computer hindi na napapakain yung anak kaya minsan pumupunta yung bata dito samin sa anak ko makikipag laro dito narin namin papakainin kaso ayaw nya hindi sya sanay kumain kapag sinabi namin andyan na mommy mo para syang takot na takot minsan nagtago sya sa ilalim ng lamesa namin sinundo ng mommy nya ayun nung umuwi rinig na rinig namin iyak nung bata. nakakalusaw lang po ng puso na may mga ganung magulang sana hindi nalang sila nag anak???

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ipagbigay alam niyo po agad sa kinauukulan, sa kapitan po muna and then sa DSWD, may karapatan pa din po tayo mangealam dahil tayo ay kapwa Pilipino. Maghanda din po kayo ng matibay na ebidensya para di kayo makwestyon. Mas lalo pong kawawa ang bata kung patatagalin pa. Sinabi niyo nga po 2 years old pa lang, maari po kasi yan maglead ng personal distress and dysfunction sa bata. Mas mahirap po kasi pag natrigger yung bata. Baka maglead po ito ng psychological disorder in the future. Marami din po kasi pwede maging effect ang child abuse like Trauma, Depression, disinhibited social Engagement disorder and pwede din po kasi malate ang brain development ni baby. Sana po maagapan yung gantong kaso

Magbasa pa