child abuse

mga sis ano ginagawa nya kapag nakakakita kayo ng nanay na grabe saktan ang anak.. kapitbahay namin kung saktan anak nya akala mo hindi bata 2 years old palang kapag kunukulit sya kahit nakaharap kami tinutulak nya yung anak nya wala sya pake kung san tumama kapag mainit ulo nya sa anak nya binunbunton hihilahin nya kahit magkapilay pilay sige lang kukurutin sisigawan papaluin sasabunutan mumurahin nya pinakamasakit pa minsan pinapabayaan nya lang anak nya umiyak kapag narindi sya sasaktan nya ulit.. minsan naisip ko ivideo kaso sabi ni mister wag ko na daw pakeelaman baka madamay pa ko kaso bilang ina awang awa ako sa bata kapag nakikita nga nya lola nya ayaw na sumama sa nanay tapos puro cp ang nanay ang tatay puro laro sa computer hindi na napapakain yung anak kaya minsan pumupunta yung bata dito samin sa anak ko makikipag laro dito narin namin papakainin kaso ayaw nya hindi sya sanay kumain kapag sinabi namin andyan na mommy mo para syang takot na takot minsan nagtago sya sa ilalim ng lamesa namin sinundo ng mommy nya ayun nung umuwi rinig na rinig namin iyak nung bata. nakakalusaw lang po ng puso na may mga ganung magulang sana hindi nalang sila nag anak???

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dswd n lng momsh.. para maimbistigahan. Pwede nmn cguro mag sumbong dun n anonymous Kayo.. iaassess nmn cguro NG social worker Kung totoo.. pero para mas sure pwede Mo kuhanan pic. Then Kung my nkita Kayo pasa sa katawan ng Bata. Para matibay allegation niyo sa mag asawa..

Mommy dumadami ang mga victim o masasamang tao lalo dahil sa mga taong nananahimik lamang.. Kailangan ng tulong ni baby, gawin mo kung ano ang nararapat, mas malaki impact sa bata paglaki nya at lalo ngayon maliit pa katawan nya.. Pls.. Help the child po.😢 DSWD

VIP Member

Siguro makiki alam ako,pero in a nice way. Hiramin ko yung bata sabhn ko sa nanay magpalamig muna sya at kapag nahimasmasan na sya balik mo yung bata but educate the mother na hndi pa alam ng bata yung mga ginagawa nya.

pwede yan ireport sa children and women's desk kasi violation un ng child rights... mg anonymous report ka na lang.. kesa naman masira ung buhay ng bata... just do it as a concern citizen...

Kung hindi ka makekealam momsh sino pa kaya gagawa ng move para malayo ang bata sa child abuse? Kawawa naman yung bata kung hahayaan nalang sya sa kamay ng nanay nya.

VIP Member

Mahirap makialam momsh, pero nakakaawa naman yung bata. Baka puedeng anonymous report na lang sa Bantay bata? 😕

Momsh pwede mo naman ivideo isend mo sa Bantay Bata 163. Sabihin mo nalang na itago yung identity ng nagsumbong.

momsh hindi po pwedeng hindi makialam kawawa ang bata.wala syang kalaban laban eh.please magsumbong na kayo

Report nyo mommy. Kawawa ang bata. Kung may maitutulong naman po tayo para maligtas yung bata bakit hindi.

report niyo po Kawawa ang bata 😭iba kasi truama nang bata paglumaki siya😢.