child abuse

mga sis ano ginagawa nya kapag nakakakita kayo ng nanay na grabe saktan ang anak.. kapitbahay namin kung saktan anak nya akala mo hindi bata 2 years old palang kapag kunukulit sya kahit nakaharap kami tinutulak nya yung anak nya wala sya pake kung san tumama kapag mainit ulo nya sa anak nya binunbunton hihilahin nya kahit magkapilay pilay sige lang kukurutin sisigawan papaluin sasabunutan mumurahin nya pinakamasakit pa minsan pinapabayaan nya lang anak nya umiyak kapag narindi sya sasaktan nya ulit.. minsan naisip ko ivideo kaso sabi ni mister wag ko na daw pakeelaman baka madamay pa ko kaso bilang ina awang awa ako sa bata kapag nakikita nga nya lola nya ayaw na sumama sa nanay tapos puro cp ang nanay ang tatay puro laro sa computer hindi na napapakain yung anak kaya minsan pumupunta yung bata dito samin sa anak ko makikipag laro dito narin namin papakainin kaso ayaw nya hindi sya sanay kumain kapag sinabi namin andyan na mommy mo para syang takot na takot minsan nagtago sya sa ilalim ng lamesa namin sinundo ng mommy nya ayun nung umuwi rinig na rinig namin iyak nung bata. nakakalusaw lang po ng puso na may mga ganung magulang sana hindi nalang sila nag anak???

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Narito po ang contact numbers ng DSWD.. https://www.dswd.gov.ph/contact-us/ Council for the Welfare of Children Patricia B. Luna, Executive Director Trunkline: (632)740-8864, (632)781-1039 Local: 1003 Protective Services Bureau Pacita D. Sarino, Director III Trunk Lines: 931-81-01 Local : 407, 408, 409, 410; Tel: 951-7437; Tel/Fax: 951-2801 Momshee, wag na po kayo mag-atubili. Ireport nyo na po para maaksyunan habang hindi pa huli ang lahat. Kailangang mailayo yung bata mula sa kanyang ina pansamantala upang maprotektahan yung bata from further damage. Gayundin, mainam na ma-educate yung magulang sa tamang pagtrato sa anak at pagpapamilya. Kung hindi kalabisan sa inyo, baka maaring mag-reach out kayo sa kanila bilang isang pamilya? Yakagin nyo sa inyo sila mananghalian or meryenda. Simpleng kwentuhan. Makita nila kung paano ninyo inaaruga at kinakalinga ang inyong anak and how you love one another in your family. Inspire them thru your good and neighborly example.

Magbasa pa