Couzin in-law

Hi mga sis, advice naman. Dapat ba akong magalit, magselos? Or hindi? Ganito kase yung babaeng pinsan yung hubby ko sobrang close niya sa asawa ko, yung tipong kapag dadating siya ng bahay (kasama kase namin siya sa bahay eh, dahil ng work niya) so yun nga pagdadating siya, yayakapin at ikikiss niya hubby ko sa pisnge kahit kaharap ako, umiiwas naman na hubby ko pero ginagawa niya kase yun pag kumakain kami tapos nakatalikod hubby ko and yun dun niya gagawin syempre hindi alam ni hubby, diba po nakakabastos? Parang wala siyang respeto sa akin. Nasasaktan ako, oo hindi ko dapat sya pagselosan kase pinsan siya and sabi niya ganon dw talaga siya, pero okay lang sana kung sa lahat ng pinsan niya na lalaki eh ganon siya, kaso sa asawa ko lang siya ganon e ? tapos eto pa yung pinaka diko nagustuhan sakanya nung time na naguusap kami ni hubby tapos sabi ni hubby "Nagiisip ako ng kakainin ko" tama ba yung sumabat siya na "AKO" Tama lang ba yun mga sis? Ayoko naman ng ganon, nakakabastos eh. ? Need advice po.

181 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Momsh edi mag hiwa kana ng bawang at sibuyas nang maluto mo na yang pinsan ng asawa mo . Ibabad mo muna sa suka mga 1 week para matanggal ang kati . Jusko !!!!! Beri rong ! I kenat !!!!! Very ovious na bet nya asawa mo at binibitch out ka nya no !

Paalisin mo na yan sainyo mommy. May work naman pala siya eh di magsarili siya. Pag binabastos ka sa sarili mong bahay, wala siyang karapatan pakisamahan ng maayos. Bahay mo yan, asawa ka. Kesyo pinsan pa yan oh ano. Pag malandi, malandi.

If I were you Mars, paalisin mo na yan kahit pinsan. She doesn't respect you, your relationship, your family and herself. Even though she would say na ganun siyang pinsan, she should know her limits, diba? Talk to her and to our husband.

Makati sya sis, prang type ang aswa mo.. Haha ✌️✌️syempre babae ka dat alam mu ung mga ganung galawan.. Naku sa panahon ngaun kahit mgpinsan kung nkaramdam ng init mgpapatusan, sorry to say pero real talk lang haha✌️✌️

Talk to your hubby. Sabihin mo sa kan'ya na ayaw n'yang ganun. Kung ako 'yan, ilalayo ko loob ng asawa ko sa pinsan n'ya. Wala akong pakialam kung sumama loob ng pinsan n'ya. Asawa ko 'yun, eh. Bahay n'yo ba 'yang tinutuluyan n'yo?

VIP Member

Naku.. Mali n yan sis.. Porket pinsan hinhayaan mo.. D pwdng gnun.. Halata namang type nya asawa mo at inaakit.. Better na wag mo siya patirahin jan.. Pag aq yan kahit magsabunutan pa kami.. Ke landi landi ng babaeng yan

Mamsh ang tanong, pinsan nga ba nya?? Naku nakakapraning yan. Tsaka sobra naman yung sabihan nya asawa mo nang ganon, baka hindi naman talaga sila magpinsan. Something is fishy, hmmm. Paalisin mo nalang sya, hindi healthy yan.

Ask mo kung pano sila naging mag pinsan? Sabihin mo sa babae, pag ba pinsan kailangan mo kiss ung asawa ko? At ung pagka green mo ilagay mo din. Kasi hello, andito ako asawa.. ikaw pinsan, so ayusin mo ang kilos mo.

Kung ako may pinsan asawa kong ganyan, palalayasin ko Diyos ko 😂😂 kagigil. Natural na magalit ka or magselos mamsh. Palayasin mo na yang pinsan nya hahaha walang kama kamag anak pakaharot nyang pinsan ng asawa mo.

Parang mas mabuting paalisin niyo nalang yan sa bahay niyo. Or kayo ang bumukod. Di naman ata maganda sa paningin yung ganyan. Super close naman ata yan. Atsaka respeto sayo, lalo na nasa harap mo pa siya nag gaganyan.