Couzin in-law

Hi mga sis, advice naman. Dapat ba akong magalit, magselos? Or hindi? Ganito kase yung babaeng pinsan yung hubby ko sobrang close niya sa asawa ko, yung tipong kapag dadating siya ng bahay (kasama kase namin siya sa bahay eh, dahil ng work niya) so yun nga pagdadating siya, yayakapin at ikikiss niya hubby ko sa pisnge kahit kaharap ako, umiiwas naman na hubby ko pero ginagawa niya kase yun pag kumakain kami tapos nakatalikod hubby ko and yun dun niya gagawin syempre hindi alam ni hubby, diba po nakakabastos? Parang wala siyang respeto sa akin. Nasasaktan ako, oo hindi ko dapat sya pagselosan kase pinsan siya and sabi niya ganon dw talaga siya, pero okay lang sana kung sa lahat ng pinsan niya na lalaki eh ganon siya, kaso sa asawa ko lang siya ganon e ? tapos eto pa yung pinaka diko nagustuhan sakanya nung time na naguusap kami ni hubby tapos sabi ni hubby "Nagiisip ako ng kakainin ko" tama ba yung sumabat siya na "AKO" Tama lang ba yun mga sis? Ayoko naman ng ganon, nakakabastos eh. ? Need advice po.

181 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dapat mrunong makiramdam ung girl. Unang una, Nakikitira lnag sya and 2nd May asawa na ung Pinsan nya. Very wrong. Dapat pag usapan nyo yan ng asawa mo with her pra sa awareness at dapat si Husband ang mag salita.

PAALISIN MO YANG COUSIN-IN-LAW mo.. obviously may pag nanasa yan sa asawa mo.. Kung ako nasa sitwasyon mo tapos narinig ko ung sagot nyang "AKO" malamang funeraria tuloy nyan... Amp! Kakadiri ung ganyan ah..

ANUNG PAG IISIP MERON SIYA? AKO CLOSE AKO SA MGA PINSAN KO NAGYAYAKAPAN PAG NAGKIKITA PERO NEVER AKONG SUMAGOT NG GANYAN.. MAMSH TALK TO HER DI TAMA GINAGAWA NIYA. PALAYASIN MO NA DIN SA BAHAY NIYO!!!

Hala. Bat gumaganon ang pinsan. Pagbawalan mu po, khit sbihin nya na ganun lang sya talaga, may asawa na kamo pinsan nya, kung gusto nya may halikan at yakapin at mgpakain humanap sya ng mgging asawa nya

VIP Member

Ney!..may sapak yang pinsan ng asawa mo sis..bakit kasi kasama niu cia sa bahay?nakausap mo nb hubby mo about dun?hnd normal eh..ung mga pinsan kong boys kaclose ko pro hnd ako ganyan..haha..nakkaloka..

Better to talk to her para malaman mo talaga intension nya and reasons,then prankahin mo sya na you feel jealous para aware din sya and ilagay nya sarili nya sa tama tell also your hubby what you feel

Bakit po nakatira sya dyan sainyo? Any actions nya na uncomfortable ka, hindi dapat tinotolerate. Kausapin nyo na sya na inappropriate ginagawa nya at kung pwede lumayas na sya. Hindi na nahiya eew.

ako din malambing sa pinsan ko na lalaki but every my cousin ganun ako, kaso i never kissed them, hinahug ko lng sila gnun kami lumaki eh sama2 pero panget prin ung nkakabastos n ung slita ng babae

VIP Member

Naku sis it's very obvious she has a 'thing' for your husband. Anong klase babae yan pinsan niya asawa mo. Tsk tsk. Paalisin mo sa bahay niyo yan bago pa gumawa ng kademonyohan ang babae na yan.

Mas better na kayo mong pamilya Asawa ,anak at ikaw natira sa Bahay ...mas malala sakin pinsan NG Asawa ko pero Nung nabuntis Ang girl . Tinuturo nyang ama Ang Asawa ko . Ang kapal ng muka