Couzin in-law

Hi mga sis, advice naman. Dapat ba akong magalit, magselos? Or hindi? Ganito kase yung babaeng pinsan yung hubby ko sobrang close niya sa asawa ko, yung tipong kapag dadating siya ng bahay (kasama kase namin siya sa bahay eh, dahil ng work niya) so yun nga pagdadating siya, yayakapin at ikikiss niya hubby ko sa pisnge kahit kaharap ako, umiiwas naman na hubby ko pero ginagawa niya kase yun pag kumakain kami tapos nakatalikod hubby ko and yun dun niya gagawin syempre hindi alam ni hubby, diba po nakakabastos? Parang wala siyang respeto sa akin. Nasasaktan ako, oo hindi ko dapat sya pagselosan kase pinsan siya and sabi niya ganon dw talaga siya, pero okay lang sana kung sa lahat ng pinsan niya na lalaki eh ganon siya, kaso sa asawa ko lang siya ganon e ? tapos eto pa yung pinaka diko nagustuhan sakanya nung time na naguusap kami ni hubby tapos sabi ni hubby "Nagiisip ako ng kakainin ko" tama ba yung sumabat siya na "AKO" Tama lang ba yun mga sis? Ayoko naman ng ganon, nakakabastos eh. ? Need advice po.

181 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yes, pasimpleng maharot yung cousin. Tama ba yung sinagot niya sa asawa mo? Hmm.. nakikitira lang ba siya sa bhay niyo sis? Talk to your husband regarding sa naffeel mo sa cousin niya. Mahirap kasi yan pagnakimkim.. baka bigla ka nalang sumabog.. His cousin should know her limitation.. sabihin m na hindi ka comfortable sa pagkatouchy at close nila.

Magbasa pa
VIP Member

Kung ako nasa katayuan mo mommy.Pinalayas ko na yan.Aba'y nag papahiwatig,nag bibigay motibo.Isipin mo lalaki asawa mo.Mamaya e wala ka matukso yan sa malanding pinsan nya di umano,hay mahirap na.lalaki asawa mo at diko naman nilalahat ang lalaki ay marupok.Kaya mommy mag isip isip kana.Baka gusto nyan mag pakamot.Dinaig kapa nyan kung umasta.

Magbasa pa

Kausapin mo si hubby na ipaintindin sa pinsan nya na hindi maganda yung ganun set up dahil may asawang tao sya for sure makakaintindi yun kahit sino naman hindi maganda kung ganun lalot sa asawa mo lang sya ganun ka clingy. Better to talk to your husband dahil kung ikaw ang makkipag usap sa babae magkakasamaan kayo ng loob

Magbasa pa

Hindi ka naman magseselos kung wlaa kang nararamdaman na mali? Hehe Talk to your hubby. Mas better kung Wala sa bahay niyo yung babae na yan. Dapat alam yan ng asawa mo kasi NAKAKASIRA yan ng relasyon. Tsk? Smell fishy. Hindi ba siya nahihiya na may Asawa ng tao yung ginaganon niya. Dapat alam niya kung hanggang saan lang siya. Susme

Magbasa pa

Sweet din kame ng mga pinsan ko nagkikiss sa pisnge at hug din pero tuwing nagkikita at nag papaalam na sila kase tuwing may occasions lang naman nagkikita. Pero yang sa asawa mo sis OA. May gusto ata si girl at may something fishy. Kausapin monasawa mo na paalisin si girl kase di ka komportable. Rights mo yun bilang asawa.

Magbasa pa

Parang hindi naman yan mag pinsan. Paalisin mo na yan sa bahay nyo. May maling nangyayari dyan sis. Naku! Kung nagagawa nya yun na kaharap ka, ano pa kayang kaya nyang gawin kapag nakatalikod ka talaga? Mamaya may iba pang dinadaanan yang mga yan bago umuwi. You know what I mean. Hays. Palayasin mo sis. Asawa ka, may karapatan ka.

Magbasa pa

OMG. I think dapat mo pagsabihan yung pinsan niya kase, baka hindi nalang dahil sa closeness yun kung umiiwas na yung asawa mo sa mga ginagawa ng pinsan niya. Baka gustona niya ang asawa mo. Kase kung attention lang ang kailangan at pagmamahal bukod sa pinsan niya na asawa mo wala bang ibang tao na pwede siya magingclose?

Magbasa pa
VIP Member

Ooops thats too much, she's disrespectful at walang boundaries. Kahit pinsan pa sya ingungudngod ko nguso nya sa lamesa pag ganyan. I wouldn't want her in my house. If I were you kakausapin ko sya at sasabihin ko.na hindi ka kumportable sa ginagawa nya sa asawa mo if she cannot respect that then she better pack her bags.

Magbasa pa

Bantayan mo asawa mo.. bka bumigay dahil sa panglalandi sakanya ng pinsan nya.. may mga ganyan akong kilala.. mag pinsan na nagkakaroon ng relasyon .. maganda nyan mag salita ka mismo sa harapan nila.. Kausapin mo na di mo kako nagugustuhan ang ganung kilos nya sa asawa mo.. kahit pa magpinsan eh pangit padin tignan..

Magbasa pa
VIP Member

Khet gnun ang ugali nia hnd pren tama sna mgkron nman ng delikadesa un pinsn n babae khet n close p cla lalot anjan k n asawa ang pnget tingnan sis.. Dpat paalisin nlng s bahay nio.. Cguro ang tingen nun pinsan eh mbaet k nmn n okay lng un gnun.. Mnsn mgnda pren n mejo mgng matapang pra aware cla kumilos ng gnyan..

Magbasa pa