#MommyDialogues Facebook Live with PEDIA & DERMA

May mga questions ba kayo tungkol sa kalusugan ni baby? This coming April 30 at 6:30pm, magkakaroon ang The Asian Parent and in partnership with Cetaphil ng “Mommy Dialogues: 4 Secrets to Giving Your Baby a Healthy Start” together with Dr. Cristal Laquindanum (pediatrician) at Dr. Irene Gaile Robredo-Vitas (dermatologist). Sa Facebook Live session na ito, tatalakayin namin kung ano nga ba ang 4 na sikreto para maging healthy si baby. PLUS: Magkakaroon din ng question and answer portion kung saan sasagutin ng ating good doctors ang mga tanong ninyo dito sa official post. Magkakaroon din ng chance na manalo ng Cetaphil products ang ilan sa mapipiling magtatanong. POST YOUR QUESTIONS NOW to get a chance to win! TANDAAN: - I-post ang inyong tanong para sa ating PEDIA at DERMA dito sa post na ito. - Don’t forget to watch the Mommy Dialogues sa official Facebook page ng The Asian Parent on April 30, 6:30pm: https://facebook.com/events/s/live-mommy-dialogues/696261094460451/?ti=icl See you! #MommyDialogues #Cetaphil #FacebookLive #AskDok

#MommyDialogues Facebook Live with PEDIA & DERMA
153 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello dok ask ko lng po s anak ko mag2months n siya this may 11..mix ko po siya kapag more on breastfeed siya isang beses ko lng siya napapalitan ng diapers at hindi masyadong basa hindi puno s ihi..kapag nmn po more on formula mga 2.3 beses ko siya napapalitan at basang basa ..unti lng po kaya nadede niya s dede ko?gusto ko sana siya iEBF kaso un nga po parang d siya nabubusog s gatas ko...salamat po

Magbasa pa

Hello po i want to ask po. My baby is one month old. Madalas po syang nagccough during feeding. Pag tumatagal po yung iyak or pag nagugulat, minsan biglang manginginig yung baba ng labi nya. Normal lang po ba o may dapat akong ikabahala? Okay lang rin pp bang habulin nalang yung vaccibes ni baby kasi hepa b palang ang nakukuha nya since birth or need na gawin na agad ngayon?

Magbasa pa

Hi .. Patubo na po ang ngipin ng baby ko 8 months and 14days old nilalagnat po cya kahapon pa po ng 5am nag start hanggang ngayon po 38 point something po ung temp nya.. Minsan nmn po bumababa. Pero usually po mainit po cya. Pina iinom ko nmn po ng parCetamol every4hrs.tapos maya2x ko po cya pinupunasan what will i gonna do? Natatakot po ako pumunta,sa pedia nya dahil sa virus..

Magbasa pa
TapFluencer

Hi doc tanung ko lng po kung anong vitamin c Ang pwede sa anak ko she's 2 yr old at vitamins Sana pampagana kumain .kc pp Ang payat Ng baby kogusto ko po Sana sya tumaba breastfeed po kc sya ayaw nya Ng gatas na powder kahit pinapainom ko na. Sya Ng mahalon gatas like semilac and promil ayaw nya tlga gusto nya sa Dede ko gusto ko po Sana sya tumaba ..Sana matulongan nyo ko doc

Magbasa pa

Hi doc ask ko lng po my 3 yrs old po ako n anak.my paubo ubo po sya sa madaling araw dahil s kbabad nya s swimming pool tas sobrang kulit at pagod minsan n tutuyuan ng pawis. Naun my sinat sya ano po kayang pwede kong ipainum n gamot s ubo. ?? Tapos doc my baby nmn po ako 1 month old my time na nauubo sya chinecheck ko nmn kung my halak wala nmn po .normal kya un?? Thank you

Magbasa pa

Ano po pwede ko gawin para mawala ung ubo ng baby ko? Simula kahapon po paubo ubo napo sya dahil po sa pawis. Natutuyuan po sya ng pawis sa likod dahil sa sobrang pawisin nya kahet nilalagyan kona ng bimpo likod nya tumatagos padin ung pawis. 2 months old po baby ko. Baka may nai suggest po kayo? Home remedy? Basta ung makakapag pawala po sana ng ubo ng baby ko😩

Magbasa pa

Doc, may 2months old baby po ako. kanina habang nililinis ko labas ng tenga nya may nakapa po ako bukol na sobrang liit lang (kulani nga po ata). Please help. Sobrang nagwo Worry nako eh.. Ayoko napo magbasa basa ng mga nakikita sa Google at FB.. 😭 Dapat po ba talaga ako magWorry.. Movable yun bukol na yun.. Thank You in advance.

Magbasa pa

Good day po. Nag aalala lang po ako sa 3 mons old baby ko. Dumumi po siya kahapon at ngaun umaga po nakadalawang beses. Yung pangalawa po beses medyo watery po. Nung mga nakaraan linggo po kasi every 4-5 days siya dumumi. nagdadiarrhea po kaya siya? ano po treatment or medicine puwede sa kanya?Thank you po

Magbasa pa

Ask ko lang po sana kung ano tong mga tumutubo sa skin ni ate ko.(5y/o) mejo matagal na po sya jan.. Di naman daw po masakit pero makati po.. Di naman po sya bulutong/chicken pox kasi wala po syang other signs/symptoms.. Basta tumubo lang po.. Wala po aa ibang part ng body nya.. Jan lang po sa may kilikili.. Thank you po

Magbasa pa
Post reply image

Good afternoon po! Itatanong ko lang po kung paano po yung vaccine nung baby ko (1 month) since ECQ dito sa NCR? Pwede na rin po bang magtake ng vitamins si baby kasi nagwoworry po ako dahil di pa kami nakakapunta sa pedia. Kung pwede pong magtake ng vitamins, ano po ang inirerecommend po niyo? Salamat po.

Magbasa pa