Hi mga mommies

May mga naniniwala pa po ba dto sa binat? Sken po kse sinunod ko lang sabe ng doctor pero yung ibang mga mommies nagtataka bat kesyo naka short na ko,naliligo na at nagsasando na din..di ko alam isasagot ko sinasabe ko nalng ganito talga ako pag nanganak e, d nman takot mabinat. Sabe nila aanihin ko din daw yung binat after 2 yrs? Eh yung panganay ko 9 yrs old na wla naman binat na naganap sken,,mas lumakas nga resistensya ko pagkapanganak ko nun at never akong nagka sakit. Kayo mga mommies..?

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naniniwala din naman ako sa binat pero nung bagong panganak ako, naka sando at short lang din ako. Minsan nga sando lang tas naka undies. Un kasi ung comfy ako at the same time EBF si baby so madali ilabas boobies. Before kasi hubadera na talaga ako sa bahay. Hate na hate ko yung mga naka pajama ganyan. Banasin kasi ako. Nag pajama lang ako nung pauwi galing hosp pero pag uwi palit agad ng sando 😆 Ang di ko lang nagawa is maligo agad. Dun ako natakot kasi CS ako. Naka tegaderm ung tahi ko pero natatakot pdin ako baka mabasa. After a week tska pako nakaligo. So far ok naman ako.

Magbasa pa