G6PD

Mga Nanays, ask lang po ako kung sino po dito ang may abak na na.diagnosed na G6PD sa newborn screening. May posibilidad po ba na mag.negative ang results kapag nakapag.pa laboratories na? Wala naman pi kasi akong napapansing problema kay baby. Mix po xa sa breast milk at formula. Any experience po. Salamat sa makasasagot.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh baby ko may G6PD din. Pag lumabas sa newborn na meron ipa-confirmatory test mo siya. Sabe naman ng pedia ng baby ko hindi naman siya life threatening. May mga bawal lang na gamot at pagkain sa baby mo. Bawal din siya ng moth balls, sabe din ng pedia bawal din siya ng mga menthol yung mga pamahid kaya hindi kami nag mamansanilya. Lalaki naman daw ng normal ang baby basta wag ma eexpose sa mga bawal sakanya. Tas inadvice din kami na mag pa ROTA VIRUS na vaccine. Tas may ibibigay naman sayo na pamphlet andon yung listahan ng mga bawal kay baby :) tska G6PD yung pinaka common na meron sa mga babies ;)

Magbasa pa
5y ago

Ah ok.ung akin wala pa po mag 1 month na

anak ko po may g6pd pina newborn screening namin sya nun sa hospital kung san ko sya pinanganak tapos pina confirmatory test pa namin ang pinakamalapit samin is AUF sa Angeles Pampanga pa yung iba kase sa manila pa dinadala ayun positive talaga sya bibigyan ka naman nila list sa mga bawal anak ko 7yrs old na this november di ko parin sya pinapakain or pinapahiran ng mga bawal mas ok na rin po kase sundin kesa mapano po anak ko 😊

Magbasa pa

Hindi ko po alam na g6pd ung result ng baby ko. Kumakain po ako ng tuyo at kahit po mga seafood. Pinapahiran ko rin po siya ng mansanilla at alcamporado.. Pero wala naman po akong nakikitang pagbabago sa kanyang katawan o health. Kahapon ko lang po kasi nakuha ang newborn screening result. 2 months na po si baby ko

Magbasa pa

may chance na mag negative so better na maipaconfirmatory test agad siya. and g6pd deficient babies are not special. they're meant to have healthy living. g6pd parent po ako. and search ka rin ng about doon. have close coordination with your pedia

Sa confirmatory test niyo ma coconfirm talaga ang status ni baby.. anyways sa lahat ng test na dedetect ng newborn screening ang g6pd ang common, and di masyado nagcaucause ng concern.. madami lang bawal sa food.. and gamot.. even vitamins..

VIP Member

Meron g6pd anak ko nagpositive sya sa newborn screening pero di ko sya na paconfirm, iniiwasan nalang namin yung mga bawal skanya.

VIP Member

2nd baby ko g6pd sa new born screening pero nag negative nman nung pina confirmatory test nmin sa MCU hospital.

pero payat po anak ko gang mag 2yrs old ngayon ok na malusog na sya.

pamangkin ko sis ganyan pero okay naman sya ngayon ..

Anu po yung G6PD? Sorry po ftm kaya hindi ko alam