Paglilihi (cravings)

Mga nanay, meron ba sa inyo dito na katulad ko na hindi naglilihi or hindi ma- pinpoint anong gustong kainin? Possible bang hindi maglihi sa 1st trimester?😅 parang laging wala akong ganang kumain. Or gusto ko lang sa labas kumakain. Hahaha. Habang nagttype ako gusto ko bigla pala ng sinigang na tilapia or pesang dalag.😅

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Me 27 weeks and 5 days Hindi nag lilihi 🥰 masaya Kasi nakakain ko lahat walang pili .Hindi nasama pakiramdam ko as in wala talagang morning sickness.masaya ako ngayon sa pregnancy journey ko..Pero nung sa first born ko sobra namn ang selan ko.. halos walang Kain suka ng suka hanggang mailabas ko baby ko masama pa Rin pakiramdam ko.laging nahihilo..ibang iba ngayon 🥰 by the way same silang Babae mga babies ko 🥰

Magbasa pa

same until now 12weeks and 4 days nako now . hindi ako nag lilihi sa pagkain madalas nga ako malipasan ng kain kasi yung wala kang gustong kainin sa menu hnggang magugutom nko , kasi dko malaman kung anong gusto ko naawa nko sa baby ko kaya nag decide ako na lagi akong may saging nlng pra man lng yung kinakain ko lalo na kpag wala akong gustong kainin kaya minsan kpag may gusto ako binibili nlng agad sakin .

Magbasa pa
3y ago

sanaol may taga bili mommy.😭 mag apple ka din. tska cucumber. 10 weeks ako. gusto ko ng ginataang hipon na maanghang ngayon HAHAHA alas otso ng gabi. HAHAHA

Same pero nsa tyan ko mg12 weeks n wlng humpay ang gutom ko myat mya nkain di rin sure kung ano tlga pinallihian my specific p minsan kung san bbli at kung kakainin minsan kpg duty si partner grab food ksi minsan 12am or 1am pra akong di kmain khit late nko kmkain ng dinner.pero malapit n rin matapos first trimester ko kya tiis tiis n lng konti pra kay baby.😊

Magbasa pa

Yes miii. Di ka po nag iisa. Ako din. Laging gutom pero walang gana. Pero di rin makadecide kung anong gustong kainin. Pag dito sa bahay, madalas di ko gusto ulam. Pero kapag sa labas ng bahay medyo ganado ng very light sa pagkain. Hehehehe. I'm on my first trimester din. 😅 Suka din ng suka. 😥

3y ago

swerte nyo po sa in-laws nyo. MIL ko po evil witch. nanghihila ng buhok kapag kagaling sa abroad. buntis pa naman ako sa apo nya. lol

Ako rin i'm on my 9 weeks and 3days minsan wala ko gana tapos minsan naman gutom na gutom. Tapos kapag gusto ko ng pagkain ayokong nakikitang niluluto or naaamoy kasi nauumay nako agad tapos ayoko na kainin. Kaya kapag nagluluto sila ng ulam nasa kwarto lang ako para di ko mafeel yung umay 😅

3y ago

sanaol may taga luto mommy! hahaha. ako nagsasaing, iniisip ko pa lang nawawalan na ko ng gana. hahaha. anong snacks nyo? nung di pa ako buntis may mixed nuts ako. ngayong buntis na ako parang ayaw ko na talaga siyang kainin.😆 gawin ko nga yung sa isang mommy dito. mag stock ng saging. jusko alas kwatro pa lang ng umaga gising na ko sa gutom. haha

Ganyan po ako. Pag bibili ng ulam panglunch at dinner sa mga karenderya malapit sa opisina. Bibilhin ko sya ng before lunch mga ulam/ food kasi want ko nung time n un. Pag dating hapon o gabi, Ayaw ko na, pag dko nmn nabili ndi ako mapakali..

Ganyan po ako. Pag bibili ng ulam panglunch at dinner sa mga karenderya malapit sa opisina. Bibilhin ko sya ng before lunch mga ulam/ food kasi want ko nung time n un. Pag dating hapon o gabi, Ayaw ko na, pag dko nmn nabili ndi ako mapakali..

3y ago

hahaha! gawin mo mommy pagbili mo, tikman mo na agad! kahit di pa oras ng breaktime hahaha. maiintindihan naman siguro nila yun.😅🤗 dito din parang ayaw ko na ulamin sa gabi inulam namin sa tanghali eh wala naman akong choice kung hindi kumain o hindi. haha. saklap.

Same feels haha kung ano ano nalng kinakain ko bsta makakain ako bawal dw ksi malipasan ng gutom ang buntis , kaya ginagawa ko kung ano nalng meron kahit ayoko 😩 Ako pa lagi pinagde-decide sa ulam 😭 i’m 9 weeks preg.

3y ago

tapos yung bawal pa tayo mag maternal milk. hahaha. tubig tubig na lang, ganern.😅 kagabi nag try ako dinner instant oatmeal. oks naman. kaso, aga aga ko nagising kasi gutom na ko agad. hahaha

yes po, ako 1st month di pa gaano pero nung ng 2nd month, di ko na alam kakainin ko .meron akong gusto ngyon pero pg nbili ayaw ko na kasi nsusuka nako 😅 until ng 4 mos. ako non

same po tayo haha minsan walang gana kumain tas di matukoy kung ano gustong kainin, kaya minsan nagtitingin tingin ako sa fb once na may magustuhan ako yun na yon haha

3y ago

ginagawa ko din yan. naghahanap ako sa marketplace ng pagkain. pagkatapos pag andito na parang umay naman na ako agad. hahaha.