Solicitation site na ba ito?
May mga nakikita po ako nagpopost para humingi ng tulong at naglalagay ng gcash. Maging maingat po at mapanuri. Kung sa fb ay maraming ganun, dito unti unti nang naiinvade ng mga gustong humingi ng tulong. If may sakit po si baby nyo, mangyaring lumapit na lang kayo sa LGU's nyo, sa malasakit center, SWA, sa pcso, konsehal, governor or mayor nyo. Hindi masamang tumulong pero marami po kasing mapagsamantala na gumagamit ibang pictures para mangalap ng pera para sa sariling interest. Mag-ingat po sa scam. Maging mapanuri at huwag masyadong magtiwala. -concerned asianparent lurker
a mom of 2