10 Replies
Kung di po kayo maselan magbuntis, then nothing to worry naman sa 2x na on site meeting. okay yan na may wfh at kita ka makakadagdag yan sa ipon nyo magasawa for baby.. Unlike po sa akin nung buntis ako, maselan ako (madalas sumakit likod, tyan ko nun at nawalan na rin ako ng baby sa una) pero 3-4days minsan 5days nasa hospital with 12hrs duty each day na may hawak pang pasyente, kasi walang work from home ang nurse samin, di ko naman pwedeng iuwi ang mga pasyente ko 😅 nagearly leave na lang ako since di ko na kaya nun at hirap na basta pagusapan nyo ng asawa mo yan, and if gusto mo pwedeo rin hingan ng advice si OB mo Godbless :)
Nakakapagod momsh yung byahe kasi ang tagal. Tsaka kahit naka-private car pa at hindi commute, di talaga comfortable magbyahe at umupo sobrang tagal sa byahe while preggy. How much more po pag commute, akyat baba sa jeep tapos matagtag ang feeling dahil ng patakbo ng driver. Plus, mas ok po iwas sa mga tao while preggy kasi nataas na naman po covid cases. Baka po mas mapagastos pag di nag ingat ng doble while preggy.
Highrisk po ba ang inyong pregnancy journey? Kung highrisk ka po,you should have bedrest,kapag highrisk ka,si baby po ang priority at hindi ang work. Kung kaya naman po magprovide ng partner niyo, siya nalang muna po bahala. Better to consult your OB if pwede ka po. Napakalayo kasi ng 1hr na byahe mo,kapag po kasi bawal,bawal. Pero if your pregnancy is Normal lang naman,pwede ka naman siguro.
Aside from whether or not maselan ang iyong pagbubuntis, I think another factor is whether or not sanay ka na sa ganoong klaseng activity/ byahe even before your pregnancy. Kung hindi naman high risk pregancy at gawain mo na before, then it shouldn't be much of a problem. Pero if hindi ka sanay sa ganoong klaseng commute before, then hindi po advisable to start doing it now.
Sa 1st born ko sis na try ko mag work onsite na halos 2 hrs byahe hanggang 37 weeks, kinaya naman kasi walang complications pero etong binubuntis ko ngayon naka WFH na ako and high risk yung pregnancy ko puro bed rest lang. Listen to your body kung kaya mo or consult your OB muna.
Hi miiii .. Kung ndi ka naman maselan at tingin mo keri ng katawan mong bumyahe. G sa pag wowork kasi parang yan na din exercise mo eh. But, syempre hingi ka ng clearance sa OB mo na kering keri ng katawan mo at safe si baby.
Sa case ako di ako maselan magbuntis so from day one to 34 weeks nagwowork ako, onsite pa and commute everyday. So kung di ka naman maselan na if you think na kaya mo naman, then go. Make sure to be safe na din
Sana may makapag bigay ng advice kasi napapaisip ako habang 19 weeks pa lang tyan ko want ko sana mag work para matulungan ko si partner makapag ipon at makapag handa bago lumabas si baby.
Ako araw2 nag travel ng bus 1hr my traysikel pa before ng terminal. Ok lng naman kasi nde ako high risk kaso nag start ako mag travel 5mos na pinagbubuntis ko. No choice na kasi pro sabi ng ob ko ok lng naman dw kasi nde naman ako maselan sa pagbunbuntis
Kung di naman po highrisk go mo na yan mi.
Thank you po
Anonymous