1 Replies

PT lang po makakasagot jan sis king buntis ka or hindi. Iba iba po ang experiences ng mga preggy.

Kung spotting nga po yan sis di lang po 3weeks yan. Kasi ang counting ng weeks ay simula nung last mens mo. Wait ka next month kung di ka datnan, PT ka po. Nung ako kasi Feb nakaramdam na ko ng early symptoms ng pregnancy pero ung day na magkakaron ako nagspotting muna ako ng 2 days, as in 1 patak per day for 2 days. Tapos nung ika-3rd day tsaka sya medyo lumakas pero light pa din compare sa normal mens ko. NagPT ako pero negative. Sumunod na month which is March na, di na ko dinatnan. NagPT ako ulit at dun sya nagpositive. Pakiramdaman mo lang sis kasi almost the same ang symptoms ng early pregnancy at PMS. If in doubt pa din, pacheck ka na po baka may pcos ka or etc.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles