Birthing Experience
Hello mga mumsh pwede ba kayo mag share ng birthing experience nio whether normal or cs, kinakabahan kasi ako,sino nag shave sa inyo? Nakahubad ba kayo? May privacy parin ba? Nahihiya kasi ako sobra, pasensya na po anxious lang talaga, makikita ba nila buong katawan?

Vaginal assited delivery by vacuum. Dun sa ospital kung saan ako nanganak, may birthing suite sila, private room sya habang nag lelabor ako kasama ko ang asawa ko the whole time. Doon sa room na rin ako nanganak kaya talagang may privacy. Sa pain naman nakayanan kong hindi magpa anesthesia hanggang 6cms. Pero pagka-7cms nagpa-epidural na ako kaya naging painless na. Nakatulog ako until yung time na fully dilated na at iire na ako. Tapos pinatulog na ulit ako para ilabas ang placenta at i-stitch. Nagising na ako pagpadede na kay baby. Very happy with my birthing experience.
Magbasa pa
Got a bun in the oven