IPON

Mga mumsh magkano po ba iniipon nyu para sa panga2nak?

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Expect the worst. And other expenses. Inquire ka sa hospital kung how much yung rates ng panganganak (normal delivery, cs and emergency cs), kung san mo plan manganak. Then make it thrice. Hindi natin masasabi kung after madeliver ni baby is ok na lahat. Like sa experience ko, naemergency cs ako dahil sa laki ni baby. Then, di rin kami agad nakalabas dahil nagkaroon ng complication si baby. Until now nasa NICU pa siya. So as of this moment running p din yung hospital bills namin. :'(

Magbasa pa

ask mo po sa OB or kung san ka manganganak how much ang normal at CS delivery, ang set mo pong ipon is yung CS kasi di mo masasabi kung ano b tlga pag manganganak kna. Also, sobrahsn mo ipon mo, wag yung exact amount para my allowance pa kung sakali may additional charges.

TapFluencer

Ipon ko is nasa 60k lang.. Pero maglying in ako at ang pinapaprepare lang naman sakin is 8-12k less na philhealth ko dun. Hoping for a normal delivery para yun lang talaga magastos ko at malaki matipid namin. Yung matitira kasi allowance pa namin ni baby habang on leave ako

Isipin mo momsh kung san ka po manganganak. Kung sa top hospitals like medical city or st. Lukes, maghanda ka 150k pataas para sa cs. If small private hospi, ranges are 30-60k depending sa package (and if cs or nsd). Lagi ka lang ready for cs package po.

Super Mum

Nagprepare po kme noon ng 100k incase na CS pero as much as possible pnilit kong mag normal hndi ko iniisip na may pambayad kame ang iniisip ko kung ano yung mas mabilis ang recovery. Sa awa ng dyos nkanormal po ako nagastos namin 26k.

Cs ako 18k ang package ng ob kasama na din ang pedia. Less na don yung philhealth. Pero dapat may sapat kapadin ipon para pag labas ng hospital marami kapang stocks na food sa bahay kc kailangan naten mgpalakas pagkataos manganak

Actually 3k lang hawak namin ng partner Ko. Hmm sa ospital na pinagdalhan sakn nung nanganak ako.. Libre lang.. Ung 3k na un. Nagastos s pamasahe lang pagpunta ng asawa ko .. Kung private ka naman manganganak.. 100k minimum 😁

sakin 30k yung nakatago sa public ko kc balak manganak, may philhealth naman.Lipat nlng kmi sa kakilalang ob mahal kc pg private saka yung ipapalit nmin nagdu duty dn sa public hospital n mas malapit samin

Yung ipon ko po na 30k sana para panganak eh nagagastus ng dahil sa uti ko. D kc tatantanan ni ob pag d nawala yung uti. Ayaw ko din mapasa kay bby ko yung bacteria. Pray for me po momshies! 😑😩

VIP Member

Nagprepare po kami ng 150k.. Ang mind set po kasi namin ng husband ko was magprepare for CS but we were hoping and praying na magnormal. God is good, kasi po nagnormal naman panganganak ko.