Diaper Rashes ni baby. What is the remedy?
Hi mga moshie. Ask ko lang po ano po kayang mabisang gamot sa diaper rashes ni baby? Lumalala nung nag walker siya kasi nagasgas sa upuan ung singit niyaaa. Help naman po nagwworried na ko. Nagtatae din siya. #pleasehelp #1stimemom #advicepls #firstbaby
siguro wag muna po pagsuotin Ng diaper pra d lumala, huhugasan mo lng Ng maligamgam na tubig plagi kpag lilinisan Kasi parang mahapdi sya kawawa nmn ni baby
talbos lang po ng bayabas. pakulo po tapos bulak pampunas tuwing pinapalitan po ng diapies. mas mabilis po kung purong katas po ng talbos ng bayabas.
try nyo po magpakulo bayabas na may asin..iyan po pang hugas nyo kay baby or ipunas nyo po..tapos wag nyo po muna sya idiaper..sana makatulong
petroleum jelly po hiyang Yung baby ko and regular wash po Ng medyo warm water then bago lagyan Ng diaper siguraduhing tuyo Yung keps nya
calmoseptine mommy for rashes. mura lang yun sa pharmacy. then sa pagtatae nya try erceflora vial and mag ORS/ pedialyte baka madehydrate
ito po yung recommended sa amin n pedia.. safe po sa baby at gamit po sa mga rashes. o di kya yung natural nappy cream ng human nature..
Drapolene cream mamsh. At baka dahil din sa pag tatae kaya nagka rashes sya. Use cotton and water po pag pupunasan si baby wag po wipes
Rashfree po ang name ng med. OTC po siya. Thick application po. And iwas muna sa walker. If may diarrhea po sha consult your doctor po
ano gamit mong diaper mamsh? try unilove po ..super dry po tlga sya.. tsaka d sya ngbabasa...maganda ang absorption nya ng ihi..😊
Pag medyo puno na ang diaper agad itong palitan at bago ka magpalit kailangan tuyo yung pwet niya or hita bago lagyan diaper..