Diaper Rashes ni baby. What is the remedy?
Hi mga moshie. Ask ko lang po ano po kayang mabisang gamot sa diaper rashes ni baby? Lumalala nung nag walker siya kasi nagasgas sa upuan ung singit niyaaa. Help naman po nagwworried na ko. Nagtatae din siya. #pleasehelp #1stimemom #advicepls #firstbaby
Hello po, yung baby ko po 5 months and baby boy din. Nagkaganyan din po siya, worse is nagdudugo pa po yung sakanya lalo na kapag nagpupupoo siya. Makikita ko nalang may mga dugo na tumutulo. Nagtae din po siya kaya lalo pong natitrigger yung pamumula. Calmoseptine lang po pinapahid namin, kinakapalan namin kasi malamig po yun sa balat. Tried and tested din po and pedia recommend. Kahit po saaming matatanda, yun po ginagamit namin sa pimples or insect bites.. Nawawala po kaagad. Ngayon po magaling na kaagad pwet ng baby ko. π₯°
Magbasa paung baby ko 2 weeks nagsimula nagkarashes weekly kame nasa pedia kasi di nagbabago sa lahat ng gamot na nireseta,nung nabigay na lahat ng pedia inireccomend na kame sa derma after 2 weeks good bye rashes.masyado kasi maselan skin ng baby ko.nasubukan ko din lahat ng diapers until nag mamypoko blue ako,nirecommend din ng pedia.dun hiyang si baby.gusto mo po try mo din ipaderma.may binigsy sakin na emulsion bath at cream.mas sugat pa jan ung sa baby ko
Magbasa paanong diaper po ba ang gamit nya? baka need po switch sa ibang diaper. pwede po, petroleum jelly na babyflo yung green ang takip (syempre hiyangan lang din po yan) 2nd, sabi nyo po nagtatae- dahil nagtatae , kailangan iobserve nyo kung tumae na ba , kasi dahil may rushes, di pwedeng magtagal o mababad sa poop si baby, change agad ng diaper. Siguraduhin nyo din po na tuyo yang part na yan bago nyo sya suotan ng diaper
Magbasa pakawawa naman ang baby, masakit yan e at makati! buti na lng di nagkaganyan ang 2 baby ko, wag mo muna lagyan ng diaper para nasisiguro mong dry, punasan mo din ng maligamgam na tubig, bago lagyan mo ng calmoseptine malamig naman yun sa balat kaya maginhawa sa pakiramdam pag nalagyan nun, mas magkakarashes ang baby mo kung nagtatae pala sya, hayaan mo munang masingawan ang kanyang rashes para matuyo
Magbasa pahndi po sa walker yan. sa pgtatae ni baby yan.. advise ng pedia, ang ipang wwash mo. sknya eh yung distilled water. kasi masakit at mahapdi yan pag water na galing gripo dahil my chlorine. then try desitin or calmoseptine. calmoseptine mura sia.. merong nsa sachet. desitin medyo mahal.. pero try mo muna yung mura. hiyangan dn kasi yang cream
Magbasa pawash with soap maige mommy kada palit ng diaper, warm water mommy para medyo mawala ang masakit o makating na pakiramdam kay baby. pat dry lang mommy and lagyan niyo po diaper rash ng tiny buds try niyo po kung hiyang kay baby kung hindi naman po calmoseptine. πππ hope maging ok na si baby agad
hala dapat po mommy always check naten yung mga puwet naten pag kada palit ng diaper para po maagapan at di dumami yung rashes nila.. kasi ako ganon ginagawa ko pag may nakita ako na maliit na pula na nilalagyan ko agad ng tinybuds na pang rash at powder po ng tiny buds na pang rashes den..
mamsh bago kayo magchange nappy linisin maigi ang pototoy at wetwet ni baby then try niyo yung tiny buds spray changing diaper kada palit tapos patuin niyo muna at lagyan ng tiny buds rice powder. then wag patagalin ang nappy kay baby para di magrash. kawawa naman po ang baby.
hi momsh! sudocrem gamit namin kay baby (1 month old and 8 days na siya today). tried and tested na din sa pinsan niya (5 years old na). mabilis magheal ang rashes pag pinapahiran namin ng sudocrem. ginagamit din namin ng parents ko sa mga kagat kagat ng lamok π
mommy try mo po drapolene, or calmoseptine or vandol if di pa dn talaga mag heal at lumala baka sa diaper na po baka need palitan diaper.. βΊοΈβΊοΈ try nio din po muna na wag sya pasuotan ng diaper pra ma ease kahit paano yung hapdi
Wife | Mom | Content Creator | Influencer Mompreneur | Momambassador