Obimin Plus experience [ 10weeks pregnant]

Hello mga momssh na resetahan din ba kayo ng Obimin plus ng OB niyo ? Nag simula ako mag take ng Obimin Oct.15 noong una okay naman saken hindi ako nag susuka pero nag iba yung pag tanggap ng katawan ko o baka pati si baby ayaw niya ng lasa ng vitamins. di ko alam ? since first week ng november kada iinom ako ng obimin minutes lang isusuka ko na siya agad para akong nag tatawag ng uwak pag sinusuka ko... alam mo yung tipong lalagyan ko ng sipit yung ilong ko para di ko malasahan yung pag dighay ko , tapos toothbrush ako agad [ pambatang toothpaste gamit ko ??? kase ayoko na ng lasa ng colgate na pang adult ] pero ganun parin mga momssh kahit anong exhibition gawin ko talagang sinusuka ko na siya ????? normal lang ba tong nararanasan ko?? na experience niyo din ba to mga momsssh ?share namn ako ng experience niyo sa obimin plus , Salamat sa sasagot .. proud first time mom here..

Obimin Plus  experience [ 10weeks pregnant]
135 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nagtake din ako ng obimin nasusuka din ako jan haha pero ang ginagawa ko naman I make sure may laman chan ko kahit papano, mejo malansa sya kapag tinake mo ng walang laman chan mo. Pero if di mo talaga kaya sabihin mo sa OB mo, pwede nya palitan. Kasi dati tinanong ako kung hindi ko daw talaga kaya papalitan nya.

Magbasa pa
VIP Member

Same tayo ng prenatal vitamins. Nung mga first 5-6 weeks ko medyo nakakahilo talaga lalo na pag di sanay katawan mo. Pero sooner or later maadapt naman yan ng katawan, tiis lang po. Pra din sa baby ☺️ Tinanong din ako ng OB ko kung kaya ko pa ba inumin yang Obimin. Sinabi ko nalang oo para sa baby πŸ˜…

Magbasa pa

Pinapalitan ko sa OB ko yung Obimin na nireseta. Madalas ako magsuka lalo na sa gabi e usually before bedtime ko tinatake yung obimin. Nung sumuka ako, super sama ng lasa niya. Para bang laman loob ng isda pati yung amoy. Hanggang umaga nandun parin lasa niya. 😭 After nun, di na ako magtake ulit.

VIP Member

Ganyan din ako mosvit naman po gamit ko pag umiinom ko may nararamdaman ako pagkahilo at pag susuka ng ask ako sa ob ko kung pwede wag na inomin sabi niya. Mawawala naman daw yung DFA na kailangan ko at ni baby kaya sa gabi ko siya iinomin para itulog ko na lang yung pagkahilo at pag susuka ko

Ganyan din vitamins ko sa first trimester pero tinanong ako ng OB kung di ba daw ako nagsusuka kasi papalitan. Di naman ako nagsusuka non, pero nung second trimester bago ang OB ko kaya bago din ang vitamins ko. Siguro mamsh pag nainform mo yung OB sa pagsusuka mo, baka palitan ang vitamins mo.

Same. Haha halos lahat ng naresetahan ng obimin plus at nagsusuka haha. Ay teknik ko naman ay iniinum ko siya pag matutulog na ako. (Natanung ko na kay ob kung ok lang teknik ko, sabi ko lang daw). Sa ngayon 31w5d na ako. Hindi na obimin plus reseta ng ob ko, more on iron at calcium na daw.

Ako po pinatigil ng OB ko yung pagtake Ng OBIMIN for 1 month . Then after that nagtake ako ulit . Kasi ganyan din nangyayare sakin nagsusuka ako after uminom niyan. Kaya pinatigil muna ko baka daw naiiritate tiyan ko . Ang ginawa ko anmumang palagi ko iniinom without vitamins for a month.

tel your OB sis na ganyan yung nararamdamn mo everytime you take obimin kci pg di ka nman ok xa ganyan papalitan nmn yan nng OB mo.. nerecitahn din aq nian nng OB q and ok nman sakin ng ask nga OB q if how is it.. so ok nman wala nman probs.. papalitan nman yan pgdi ka hiyang. 😊

Tinigil ko ungbganyan ko kse sinusuka ko din 🀣 sayang kse , mahal pa man din . Sabi din kse ng OB ko , nakakalaki din ng baby un sa loob ng tyan kaya ferrous at folic acid lang nun pinapatake sakin . Nireseta kse yan sakin ng center . Nung nag private na ko pinatigil na sakin

Same sakin sis obimin ang second vitamins na reseta sakin ng ob ko una okay pa pero hindi ko na talaga kinaya pag sususka ko may kasama nang dugo kaya tinigil ko pag inum nung follow up check up ko sinabi ko sa ob ko ayun pinaltan nya ng natal plus okay na nmn ngaun ..