Obimin Plus experience [ 10weeks pregnant]

Hello mga momssh na resetahan din ba kayo ng Obimin plus ng OB niyo ? Nag simula ako mag take ng Obimin Oct.15 noong una okay naman saken hindi ako nag susuka pero nag iba yung pag tanggap ng katawan ko o baka pati si baby ayaw niya ng lasa ng vitamins. di ko alam ? since first week ng november kada iinom ako ng obimin minutes lang isusuka ko na siya agad para akong nag tatawag ng uwak pag sinusuka ko... alam mo yung tipong lalagyan ko ng sipit yung ilong ko para di ko malasahan yung pag dighay ko , tapos toothbrush ako agad [ pambatang toothpaste gamit ko ??? kase ayoko na ng lasa ng colgate na pang adult ] pero ganun parin mga momssh kahit anong exhibition gawin ko talagang sinusuka ko na siya ????? normal lang ba tong nararanasan ko?? na experience niyo din ba to mga momsssh ?share namn ako ng experience niyo sa obimin plus , Salamat sa sasagot .. proud first time mom here..

Obimin Plus  experience [ 10weeks pregnant]
135 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sabi nila, may ganong effect talaga sya kaya best na inumin bago matulog, kasi nunf iniinom ko ng umaga, nako nahihilo ako at nagsusuka, napansin ko yon kasi twice nangyari na umaga ko ininom, ganon effect, mula non, back na ko sa normal ko na pag inom na before sleep

TapFluencer

infairnessss sa gamot n yan n Obimin, maganda po yan... Ndi lang para satin para sa bata din. Aq naexperienced ko din yan n sumuka nung malaki n tyan ko nun panay suka p din aq pero tiniis ko. Ndi nman araw2 n isusuka ko yang gmot kada inom ko. Keri mo yan!

Momsh ang technique ko sa ganyan since nasusuka ako pag nagttake ako nyan, itake mo sya before bedtime yung tipong mtutulog kna tlga pra hndi mo mramdaman ung pagsusuka kz mahimbing n tulog mo, pero effective sakin yung ginwa ko😉 Suggestion lang po😊

same here! 😂🙋 di ka po ngiisa,, tiis ko yan inumin,, sobra suka ko,, start 3months to 8month,, pero now stop na ni OB kabuwanan ko na.. kaya mo yan momah,, advice naman sakin before meal ko take, kasi pgdighay hindi malasahan,, try mo po..

Obimin din nireseta sakin sis, since first trimester up to 7 months ako. Hiyangan po ata talaga jan hehe. Yan nireseta nung first ko na OB and hindi na pinalitan ng OB ko now since maganda naman daw class ng vitamins at nahiyangan ko din. :)

Same here..ive tried it first sa umaga pero nagsusuka ak..pero nun iniinom ko lang cya sa gabi 30min-1 hr after meal and inom ng annum after. Then mataas lang unan ko lagi pag matulog kc pg ndi magsusuka ak....sana makatulong dn sayo..

Try mo mommy umininom bago ka matulog at kung feeling mu magsuka ka ulit uminum ka yakult o delight. Pra dimo malasahan obimin plus. Sa akin sa awa ni god simula 1 month plng tyan ku yan na iniinum ku hanggang ngayon na 32weeks na ako.

Ganito po bagong vit na reseta sakin. nagstart ako ng dec 25. First na inom ko sumama din pakiramdam ko tas oarng nasusuka pero d naman ako nagsuka. Tas after non hilo na lang na konti kada inom ko. Yun lang naman po nafeel ko

VIP Member

Yan din po ang pre natal vitamins ko, so far di po ako ganyan. My body and baby is taking it well. I suggest na after meals niyo po siya inumin tas sabayan niyo po anmum or enfamama para di masyado malasahan 😊

Mommy same experience with me. You can ask your doctor to change ung brand. Naka Natal plus na aq ngayon instead na Obimin. same contents pero wala na ung feeling na nasusuka or pagsusuka q after q inumin 😉