Bakuna
Hi mga momshiies.. Bakuna again ni baby Bukas huhu heto nanaman ako kinakabahan kasi baka lagnatin nanaman si baby, Parang naging pagsubok na saakin ang laging nag iisip ng ganito. Pero mas malaking pagsubok kung dipa bakunaan si baby.. Huhu. Sino dito katulad ko kabado pag dating ng bakuna ng baby
Normal pong lagnatin si baby after ng bakuna mommy, don't worry! Prepare ka lang po ng cold compress at i-massage ang part ng binakunahan para hindi sumakit. 🥰
mgdamag lng lagnat anak ko nun kinabukasan wla n bsta inuman u lng sya ng paracetamol mkirot kc yung turok lalo s hita tlagang karga ko sya iyak ng iyak s kirot
Ok lang yun mommy. Mas safe ng may bakuna si baby 😊 yun nga lang kailangan talaga na tutukan sila everytime babakunahan to check kung lalagnatin sila. ☺️
Ako rin noon natatakot noon everytime may bakuna baby ko. Pero naisip ko mas natatakot ako kung magkasakit sya dulot ng hindi ko pagpapabakuna sa kanya
Yes Mommy ganyan din ako hehe.Kakabahan pero hindi aatrasan ang bakuna para sa kanilang safety 🥰yung iba naman pong vaccine hindi nakakalagnat. ❤
Normal lang nalagnatin ung baby kapag binakunahan kasi meaning dw nun tumalab ung ininject sakanya. Basta my tempre at temperature kalang sa tabi nya.
hi hugs mommy! normal naman ang fever after vaccine. so hydrate mo lang si baby and follow pedia's order mas long term protection naman if may vaccine
It’s ok momma, normal po sa atin as nanay tlaaga na mag-alala sa ating mga anak. be prepare na lang tayo lage ng medicine if ever lagnatin po ulit
Hugs momsh! Normal lang ang kabahan and maawa tayo sa mga babies natin kapag binabakunahan sila. Pero normal lamang to at para sa kanilang kabutihan
Ang pedia ng anak ko kada bakuna day nag-a-advise na ng medicine for fever kaya ready ako. Although so far hindi naman nilagnat ang anak ko.