Bakuna

Hi mga momshiies.. Bakuna again ni baby Bukas huhu heto nanaman ako kinakabahan kasi baka lagnatin nanaman si baby, Parang naging pagsubok na saakin ang laging nag iisip ng ganito. Pero mas malaking pagsubok kung dipa bakunaan si baby.. Huhu. Sino dito katulad ko kabado pag dating ng bakuna ng baby

168 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi Mommy. Worried talaga tayo always, kahit konting lagnat. pero tama ka rin na mas malaking pagsubok kapag hindi nagpabakuna si baby. Ang bakuna ay added protection natin. Huwag tayong kabahan dahil igaguide din tayo ng brgy health workers or pedia about the after effects ng bakuna like lagnat, bibigyan nila tayo ng tamang dosage ng gamot na dapat nila inumin if ever lagnatin man. Sali din po kayo sa fb group na Team BakuNanay to know more about vaccines and its good benefits ❤️

Magbasa pa
VIP Member

hello mommy,ako din fear ko yung magka fever siya kahit na lagi naman sinasabi ng pedia if possible nga na magkafever siya. Paracetamol at warm compress ang laging bilin ng Pedia although sa awa ng Diyos di naman siya nagkakafever after bakuna kaya laking pasasalamat ko dahil hindi talaga si baby napaoainom ng Paracetamol,natry na namin halos lahat ng brands. God bless mommy sayo at kay baby sana hindi gaanong makaramdam ng pain si baby mo after bakuna

Magbasa pa

Wag masyado mag- worry mamsh. Painumin mo lng ng paracetamol. Ako di ako msyado kabado kci sanay ako siguro , alam ko din wla ako asahan na nanay sa tabi ko kaya alam ko na kailangan ko kayanin na ako lng tlga. :) May ibng family na both parents ko. Bukod kmo mag asawa and super challenging. Mhirap na masaya. Yung tipong kayo lng tlga ggwa ng paraan paano na ang bills ang pagkain. Pero lahat naman kinakaya mga mamsh ♥️♥️🙏

Magbasa pa
TapFluencer

hi mommy! ang lagnat tuwing bakuna ay isang sign na nagrerespond ang baby sa vaccine. Kapag di nilagnat ang baby, hindi din ibig sabihin nito na hindi gumana ang bakuna. Depende sa immune response ng bata sa vaccine kung lalagnatin or hindi. best na prepared tayo kung ano ang first aid na pwede natin gawin if mag fever. ready na may thermometer, may paracetamol and marunong tayo mag tepid sponge bath. :)

Magbasa pa
VIP Member

Actually mas mabuti po na complete ang bakuna kay baby, natural lang naman po na lagnatin or ubuhin or mag ka sipon si baby but temporary lang naman po yun kasi atleast alam nyo po na nag tatake effect na po yung vaccine. Pwede mo rin pong e hot compress and make sure na hindi gaanong nagagalaw yung part na may vaccine kasi sore po yun and surely, sensitive masyado si, baby.

Magbasa pa
VIP Member

ganyan din ako nung umpisa ma. ☺️ according sa pedia namen, normal lng naman lagnatin within 24 pagkatapos niya bakunahan. Pero after that sure naman na protektado na si baby sa mas delikadong sakit. Kaya ok lang yun. May mga bakuna na nakaklagnat pero may bakuna na hindi, confirm mo po mommy sa pedia nya. Hugs! Wag na mag-worry masyado ma. 😊

Magbasa pa
VIP Member

Question lang po nakalimutan ko na ksi tlga toh. If lagnatin po ba si baby hndi nmn kailngan na kumutan kailngan comfortable clothes lang po noh ska after ko na cold compress knina po pag dating dito s bahay need pa po ba ihot compress or hndi na. Sana may nkapansin ksi nkalimutan ko na at nalimutan ko itanong cold lang ksi sbi knina s center

Magbasa pa
VIP Member

Para sa akin, Mas makakapanatag ng kalooban kung Kumpleto sa Bakuna ang sting mga Anak. Tandaan, normal lang na magkaron ng kaunting lagnat si baby matapos syang bakunahan... Para mas maging kampante, Alamin agad mula sa inyong Pedia or sa Health Center Aid kung ano ang nararapat gawin sakaling maging mas mataas ang temperature ni baby.

Magbasa pa

same feeling. natatakot talaga ako kapag iinjectionan na si baby kaya sabi ko kay hubby siya na lang. kasi pag iiyak na siya, naiiyak na rin ako hahahaha di ko kaya. kinakatakot ko pa lagi after ng injection, lalagnatin. pero si baby ko naman pag nilalagnat, lagi lang siyang tulog. pero chinicheck check ko pa rin siya syempre

Magbasa pa

ung baby ko never nilagnat, never din nagloko kapag binabakunahan.. pag tinurok iiyak lang saglit tapos parang walang nangyari 😅 nung una lang ako kabado kasi sabi nila pag binabakunahan daw si baby magloloko ng mga 3 araw pero sa case namin, hindi naman so mejo okay na ko every sched ni baby. Big Girl na daw siya haha

Magbasa pa