Hello mga momshies! I'm currently 38 weeks and 4 days. Sa madaling araw hindi na ako makatulog at sunod-sunod na. Mahirap bumangon at humiga, at hirap maglakad. Kahapon lang nakaramdam ako ng pananakit ng puson pero hindi naman umaabot sa balakang ko. Medyo may katagalan din mga 15 to 20 mins. pero nung nagpahinga ako, nawala naman. Minsan nakakaranas din ako ng paninigas ng tyan at sasabayan ni baby ng paglilikot. Is this a sign of labor? Wala pa namang discharge na lumalabas sa akin' monitoring lang ang ginagawa ko & diet sa food as per OB's advice. Nakakaranas po ba kayo ng ganito kagaya ng sa akin during your 38 weeks? Today ako naka-appointment kay OB for 1st I.E.