Please Enlighten Me ?

Hi mga momshies. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Sa mga partner niyo ba do you even fight about money? I mean its my money, ipon ko. Hindi niya ipon pero ginagastos niya. Nasa kanya kase savings account ko kase we are planning na ipagawa yung bahay namin kaso di natuloy kasi lockdown. Di pa kami kasal anyways next year pa sana. Palagi kasi kame nagaaway about sa pera. Mahilig kase siya sa sasakyan at sa kung ano ano pa maginvest pero palpak. Tapos may mga luho rin siya. Actually even nitong buntis ako never ako humingi saknya ng sustento kung ano sweldo ko yun ang ginagastos ko sa check up at vitamins ni baby. Magbbgay siya pero utang yun sa opisina. Ayun baon siya sa utang. Thankful naman ako don pero sana kung inaalis niya luho niya walang utang. Problema ko rin kasi ako rin magbabgudget ng sweldo niya para di nga siya mashort. As in sakanya lang un buong sweldo niya. Minsan after ng budget short pa siya, naawa naman ako so bibigyan ko ng allowance coming from may salary pero naiiyak nalang ako sa tabi kase bakit parang ako may shoulder sakanya? Dapat siya ang nagbibigay sa amin ng anak niya. To think same lang kame ng sweldo. Nahihirapan ako mga momshies. Kinausap kona siya maraming beses, about sa luho niya pero nagagalit siya. Pera daw niya yun di naman niya ako ninakawan at babayaran naman daw niya ako kung may ngagalaw siya sa pera ko. Nahihirapan nako. Lagi ko nalang naiisip na hinawalayan na siya pero kawawa naman un baby namim sanggol palang mawawalan na kagad ng buong pamilya. Ayoko kasi mangyari sa kanya un nangyari sakin broken family. Baka may pwede kayo advise mga momshies. Paano ba maresolba yung mga ganitong cases ng magpartner? Thank you in advance.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nagagalit si husband because he doesnt want to discuss anymore. Defense mechanism. Also for sure frustrated din sya sa mga kapalpakan nya he doesnt show lang. Maybe pag galit siya nagagalit ka din. Most man have big ego. Kaya ko to kahit hindi. Since your having a baby i hope you can find time etong ECQ to talk. Find a nice spot cooked his favourite food anything to get him maging maamo sayo. Then start the conversation. Baka gusto nya na mafeel nya that his opinion matters 1. What's your plan 2. Anong satingin mong maganda para kay baby 3. Should we do this/that Pag nakuha mo na loob nya breakdown the possible expenses. Then ask him paano nyo gagastusan together. Baka mgchange priorities nya kasi may mgkakababy na. I know money has been top issue sa family. But i hope you can work on this. Di na healthy ung relationship pag nagiging addiction na. But if you want to save the relationship try to consult. Ninong/Ninang , family member, someone who can explain your rants clearly to your husband. Goodluck! I hope maayos nyo eventually. Prayer works too. 😊

Magbasa pa
5y ago

Sana nga mommy makatulong to. Sana makinig siya. Medyo matigas talaga ulo, yung tipong may gusto siya di talaga papaawat. Magsesecret pa, hanggang sa nabili na niya. Wala nako magawa, edi magaaway na naman kami mommy. Kaya talaga minsan pagod nako. Inaaway ko na talaga kase short na kame e. Kung sana di niya ginastos sa ganito sa ganyan. Hay hirap kapag money issues. Parang ang sama sama ko kapag un pinagaawayan namin. Parang feeling ko iniisip niya muka akong pera. πŸ’”