ano po gagawin niyo kpag yung partner niyo is may credit bill na almost 100k?

Hindi ko na kase alam gagawin ko. Sobrang stress na ko. Sa mga nangyayare tho~ hindi naman niya ako pinag iisip about don pero pag nakikita ko yung mga bills na dumadating sobrang naiistress ako. Hindi ko alam kung pano niya mababayaran yun since di rin naman ganon kataas sweldo niya. I want to help him pero I'm currently 21weeks pregnant and that makes me feel like useless kasi wala ako maitulong kasi unemployed ako ngayon. Ang akala ko kasi monthly niya mababayaran every sahod niya but then nalaman ko hindi naman pala. That makes me na matapos na agad tong pag bubuntis ko at makapag trabaho na. Feeling ko din kasi ang pabigat ko since hindi rin naman ako sanay na walang trabaho at ako yung dating breadwinner sa bahay namin. Tapos meron pa kaming toddler mag malapit na mag 1 year old, balak kasi namin na ioag sabay ang binyag at birthday. Tapos kahapon kinausap niya ako na hindi siya makakapag share sa birthday ni baby since wala daw siyang pera. Pero meron naman ako natabi na kaunting pera na galing pa sa maternity benefit ko. Di ko lang talaga maiwasan mag isip araw araw. Kasi hindi naman ako sanay ng may utang at hindi ako nangungutang. Tho~ hindi sakin yung utang na yun pero partner ko kasi siya and it bothers me.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Huwag ka muna pastress kasi pregnant ka po. Remind your hubby po sa pagiging responsible payer sa utang/bills. Ang laki naman po ng utang niya kung hindi po kataasan ang sahod niya? I hope gawan niya ito ng paraan. I understand na kahit hindi inyo yung utang eh nabobother din po kayo, but it may affect you and your baby if you think about it too much po kasi. Sa opinion ko po, yung matben niyo huwag niyo po basta gastusin. Sana kung kaya niyo po na maliit o simple handaan lang sa birthday at binyag ganun na lang po. Mabilis po kasi talaga ang pera. For me mas ok na matipid po ninyo yun talaga for emergency situations at para din po sa panganganak niyo. I also feel na pabigat kasi around 5 months preggy pa lang ako nag stop na ako magwork hanggang ngayon 8 months old na baby ko wala pa rin akong trabaho. Pero yung asawa ko sinasabihan ako palagi na huwag ko isipin yan dahil walang tulong na papalit sa tulong na ginagawa ko sa kanya sa pag aalaga sa baby namin. Hindi daw po matutumbasan ng pera yung pagiging hands on ko sa anak namin. I hope naaassure ka din ng hubby mo now. At sana po maassure ka din niya na mababayaran niya yang utang niya.

Magbasa pa