HEMORRHOIDS

Hi mga momshies! Good Evening 😊 Long post ahead po 😁 Sino naka experience dito ng Hemorrhoids after manganak? Sa eldest ko kasi premature lang siya 1.9 kgs, normal delivery, walang tahi at di naka experience ng hemorrhoids. Sa 2nd ko, normal delivery, 2.6 kgs siya, walang tahi pero dahil sa pwersa ng pag ire ko nun, lumabas hemorrhoids ko, until now meron padin. Maliit na babae lang po ako, kaya di din hinahayaan ng OB ko na malaki masyado ung baby sa tummy ko kaya pinag diet na ko nun kay 2nd dahil mac CS ako. May nabasa kasi ako before sa mommy groups na kapag may tahi sa pwerta, sinasabay ung tahi ng hemorrhoids. Kaso dahil wala akong tahi, hindi yun ginalaw. Ngayon 3rd pregnancy ko na, 6 months na ko ngayon and iniinda ko na ung hemorrhoids ko, pag nag popoop binabalik ko nalang siya kaso minsan nalabas padin. Pero hindi siya masakit, medyo nakakailang lang kapag nalabas then ibabalik ko ulit paloob. May ginagamit ba kayo for hemorrhoids? Creams na safe for pregnant and breastfeeding moms like me? Or kahit anong gamot na makakapagbalik paloob ng hemorrhoids? Or what do you usually do?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

mommy, relate po ako jan.. sa 1st and 2nd baby ko ngkahemorrhoids po ako.. constipated kasi ako plagi nung ngbuntis ako and then same to you binabalik ko lng xa pg lumabas.. tapos nung nanganak ako, one week po ako cge hot seat bath po. ung guava leaves po na pinakuluan then nilalagay ko sa arenola tapos inuupuan ko mommy so mabilis nawala ung hemorrhoids ko tapos ung gamit ko pang wash ung betadine na fem.wash so far ngayon wla na po akong hemorrhoids po.

Magbasa pa
4y ago

Hi Momshie! πŸ’• ginawa ko na din un before ung umuupo sa balde or arinola may mainit na tubig, ginawa ko yun for almost 2 months nung nanganak ako kay 2nd ko, kasi halos hirap talaga ako umupo dahil swollen talaga parehas, naging okay naman noon nung lagi kong ginagawa yun hanggang sa bumalik sa normal, kaso may nalabas talaga, binabalik ko lang pero hindi naman masakit, nakakailang kasi lalo ngayon buntis ulit ako momshie kaya na trigger nanaman ung maya't maya umuusli siya 😭 ako naman, balik ng balik.