27 Replies
first OB - BP/ Oximeter/ Doppler - Mabait, approchable, ang dameng inaadvise like magpatugtog ng mozart para tumalino si baby, yung stretchmarks normal etc etc. - Lumipat lang ako ng OB kasi mahal singil nya CS/Norma which range ng 60-80k normal. CS 120-160k 2nd OB - Doppler lang tuwing check up minsan sira pa 😅 - Lying in/Private hospital OB - Mabait nama pero bata pa siguro nasa 30's - Mataas rin singil nya sa CS/NDS 110k pag CS - Di masyadong nag request ng lab test kahit OGTT - Nakita na nya na mataas infection ko sa UTI pero di nagreseta ng antibiotic 3rd OB - 37 weeks na nung lumipat ako. - Super bait kahit last minute na ako nagpcheck sakanya. Agad agad na nagpalab test, urinalysis, CBC etc. - Lumipat ako ng OB since breech at need inormal. - Mas mura sya maningil compare sa iba kong OB - CS 68k bikini cut. - Mashonda na at halatang magaling nasa 25patients per day daw ang consultations nya. - Kahit 2x lang kame nagkita magaan loob ko sakanya. Kaya sa susunod na maging preggy ako sya na mgiging OB ko kahit na malayo.
hello mommy. if it's bothering you, lipat po kayo ng ob lalo na po kung maaga pa naman ang pagbubuntis nyo. ako po every checkup, kumustahan muna kami ni ob. kwentuhan pa nga actually. 30 minutes minimum lagi ang consultation namin. pero in between, nagtatanong sya kung may nararamdaman ba ako sa ganito ganyan, etc. tapos check ng heartbeat ni baby, pagkatapos nun kwentuhan ulit. ang sarap sa pakiramdam na parang kaibigan mo ung ob mo. 🥰. after nun bibigyan na nya ako ng reseta tsaka request ng mga laboratory. 33 weeks na ako at never ako nastress sa kanya na sa palagay ko bare minimum pagdating sa mga doctor lalo na OB, kasi bawal tayo mastress. kahapon lang check up ko, nagpa-tetanus shot din ako. umuwi na sya kasi wala masyado pasyente dahil maulan din, pero bumalik pa rin sya ng clinic dahil dumating ako.
OB ko is usap-kamustahan-may nararamdaman ka ba- then mgtatanong ako sasagutin nya. After non ultrasound na tas after ultrasound discussion ng ultrasound at minsan IE din nya ako kse high risk ako ng 1st tri ko e. then kapag may tanong ako like minsan sobrang babaw na tanong tntnong ko pa din sa knya better na sa knya mismo galing ♥️my ob is ob/infertility/sono ang rate nya is 600 per session, buko ang ultrasound na 750. Masarap makahanap ang OB na maalaga at mabait mi, pangalawanag lipat ko na to simula ang nabuntis ako. Di ako nagsisisi kase kahit sa text responsive sya. And good thing lage nya snsbe na "don't thank me, lage mong sabihin SALAMAT LORD" ♥️
same mi I am very happy sa mga doctors ko bali 2 sila ob/perinat & yong isa ob/advanced surgery mahka team sila and they referred me sa endo na mabait rin co manage sila since high risk ako
hanap ka ng bagong OB. so far wala akong probz sa OB ko... first binigay niya mismo contact number nya sakin para matawagan at ma text ko sya sakaling may kakaiba akong naramdaman sa pagbuntis ko. during check-up kinumusta nya ako..kung may mga probs ako nireresetahan nya ako ng safe sa preggy at sinosulusyunan nya kung ano ano ang mga discomforts ko sa pagbuntis...she always check my babys heartbeat every check up and give advices. she always reminds me na wag magpa stress dahil ina-assure nya she always there to help. so, happy ako sa ob ko. ❤
I suggest na mag palit na lang ng ibang OB, kasi kailangan sa OB panatag ka at hindi ka nag dududa sa kanya, sabi mo naman mukhang wala pake sayo kaya palitan mo na lang. Ang OB ko sobra bait, pinapaliwanag niya ano nakikita niya sa ultrasound, ano na laki ni baby at heartbeat. After mag bigay ng reseta, mag papayo ano ang dapat hindi dapat kainin muna habang preggy. Ang pinaka best lagi nag papaalala na wag manuod ng malulungkot na pregnancy, wag maniwala sa ganito ganon kasi iba iba ang case ng pag bubuntis. Natuto ako pumanatag. 😊
Hanap ka na agad ng ibang ob na malilipatan mii. Dapat kumportable ka sa ob mo at masaya ka palagi kapag sched mo na magpacheckup kasi lahat ng gusto mong itanong sa ob mo ay maitatanong mo. Dapat friendly siya para palagay ang loob mo. Mas ok din kung Ob-Sonologist siya para sya na rin ng magultrasound sayo. Dapat bago matapos ng usapan nio ay napag-usapan nio na lahat para naman kampante at hindi ka na magtatanong kung kani-kanino. Nagbabayad tayo sa service nila kaya dapat sulit din nag service nila sa atin.
same satin mamsh di man lang ineexplain yung sa ultrasound kung okay ba si baby kung tama lang ba yung size ni baby basta nakapag ultrasound lang yun na sasabihin niya lang yan si baby tapos wala 😔 First time mommy here pero pag resitahan na ng gamot kukulitin niya ko na sakanya na bumili 🤣18 weeks na ko pero dipa niya ko nireresitahan ng vitamins ang iniinom ko lang ngayon is Quatrofol yun lang 😂
yung OB ko po kada check up mag ask muna sya ng mga questions about sa mga kinakain at pagtulog then proceed sa ultrasound. After ultrasound discussion about sa lagay ni baby at mag ask na din ako ng mga questions about kay baby. Super thankful sa OB ko dahil super bait at maalaga 650 sya each month included na yung ultrasound. December 17 - Jan 7 binigay na expeted dates sakin ni OB praying for a safe delivery.
sana all mamsh sakin iba pa rate ng oby sa ultrasound. oby 350 per check up tas ultz 800
OB ko sa eldest at dto sa 2ns pregnancy ko lalaki. Wala ko masabi kasi maalaga sya check ng heartbeat ni baby using doppler ba un? then kapag may tanong ka sasagutin nya lahat.friendly sya at sobra machika sya hahaha ung 2 nauna kong OB hnd ko feel eh gusto ko aksi sa OB ung may conncetiom kami like ung mafefeel mo tlaga na may cincern sayo hnd lang pera. So if OB mo walang paki sayo better lipat ka.
pano mo nasabing walang pake? every checkup, kukumustahin ka, tatanungin ka if may kakaiba ka bang nararamdaman. then ultrasound para ma-check heartbeat ni baby, sukat ng amniotic fluid, and measurements/weight ni baby. at least po dapat ganyan every checkup. if feeling mo may pagkukulang si OB you can raise the issue to her, if wala pa rin or nagsungit, time na siguro para maghanap ng new OB
RyanCat Ceniza