7 months preggy
mga momshieee! sino dito hirap makatulog any tips para makatulog agad? umaabot pa ako minsan ng 4 ng madaling araw sa sobrang hirap ko makatulog sabi ng iba dapat daw hindi ako nag pupuyat kase buntis ako, like hell hindi ko naman ginugusto mag puyat nahihirapan talaga ako matulog nakahiga lang ako tapos naka pikit, paikot ikot sa kama Hindi pa din ako makatulog madalas na ako puyat hirap na hirap ako makatulog
2 am ako madalas nakakatulog, nag aalarm pa ako ng 5:30 at 9:30 kasi iniiwasan ko maipon yung ihi sa bladder ko lalo na 33 weeks na ako. Kapag nakakatulog na ako nagigising gising ako dahil sa pulikat both sides ng legs ko mula hita hanggang bukong bukong kapag naalimpungatan ako nakapikit pa rin ako pero inistretch ko parehas hanggang sa mawala tapos balik tulog, nagigising din ako dahil sa asawa ko bigla na lang umuungol kinakabahan naman ako kaya yung gising ko talagang dilat na mata agad tapos ginagalaw ko sya mamaya binabangungot na jusko. Tapos kapag tumunog na alarm mag cr lang ako tapos balik tulog na. Ayun nakukumpleto ko naman 8 hours na tulog kahit putol putol mga 11 na rin ako nagigising minsan 12.
Magbasa paako din. akin naman more on paputol putol kasi uncomfortable sa pagtulog. di kasi ko makahinga pag nakatihaya or may mga times na di talaga komportable lalo ngayon na mainit kahit 2 fan na gamit ko sobrang pawis pa din, wala kami ac, purita lang eh. 😅 so yung ginagawa ko try lang matulog. pag di kaya, continue sa umaga kahit hanggang tanghali. di kasi talaga maiwasan yung di makatulog. happy na ako pag naka more than 5 hours ako na total na tulog.
Magbasa paGanyan din ako nung una momsh. 32 weeks na ako ngayon, nung pag start ng 3rd tri ko, hirap ako maka tulog kasi malikot na si bb tas hirap din huminga. Patagilid ka lang po sa left side tas unan yung hotdog shape lagay ko sa giliran mo. At lastly, wag nalang mag afternoon sleep or nap.
same mapa no sleep ng hapon hirap parin makatulog sa gabi 🥴 pero pinipilit ko bitaw kung bitaw sa pag pphone para makatulog ako 😅 ang hirap pag 3rd trimester na pero pakiramdam ko pagod na pagod ako buong araw hahahaha
hayyy. same mamsh! 7months narin ako..ang hirap talaga makatulog tapus panay ihi pa. sa hapon mababaw lang din ang tulog ko
Same tayo sobrang hirap.. nung di pa ako pregnant hanggang 1st trisem ko 8pm tulog nako ngayon 3rd trisem nako 3am gising pa ako😅
same mi wag po kayo mag sleep sa hapon. kung mag nap time po kayo gawin nyong 1 to 2hrs lang tas wag po alanganing oras
same here..kaya sa gabi nga mimilk po ako before mag bed...