gusto ko pumuti anak ko

Hello mga momshie...ano po kaya magandang lotion or bath soap para pumuti naman konti anak ko..thank you!

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Utang na loob wag nyo pahiran mg kung anu anong pampaputi yung skin ng baby nyo dahil sensitive pa yan at pwede mairitate. Hindi pa yan tulad ng skin ng adult. Kahit pag naging bata na yan wag pa rin pahiran or sabunan ng mga glutha soap o kung anu anong exfoliant. Kung maputi naman kayo ng husband mo magbabago pa yan. Kung moreno/morena kayo then tanggapin nyo kung anong kulay ng balat ng baby. Jusmiyo. Wag nyo isipin na pag lumaking maitim ang baby nyo hindi sya tanggap ng ibang tao, at pag may isip na sya wag nyo rin sabihin na ang itim nya na medyo panginsulto dahil bababa ang self-esteem bg bata. Love your own.

Magbasa pa

Mommy wag po ganun sa baby mo, kung hindi nman kayo kaputian mag asawa wag kanang mag taka nasa kanya nyan pag laki niya kung gusto niyang mag light ang skin color niya. Tulad ng daughter ko sabi niya sana daw mag kasing puti kame eh moreno ang hubby ko sabi ko pag big girl na xa magiging kasing puti ko din xa

Magbasa pa

Kojic cguro naman puputin siya sa katagalan.๐Ÿ™„ Maitim din baby ko indian kasi papa nya at hindi din ako kaputian dati ngayon nalang kasi maarte na. Pero ni minsan hindi ko naisip na sana maputi siya kasi ang ganda ng anak ko. Maganda kahit morena what more kung maputi pa.๐Ÿคทโ€โ™€๏ธ

4y ago

bawal po ata ang kojic sa bata

Nag iiba pa yung skin ni baby hindi permamenting maitim ang skin ni baby .. Huwag po kayung mahiya kung ang baby nyo maitim at oinag uusapan ng ibang tao . Mas importante na healthy ang baby nyo . Meron mga baby na maitim pag nailabas na pero pag lumaki na nag lighten ang kulay nya ..

Sa parents nya makukuha ang ganyang balat mommy. Saka mo nlng sya turuan magpaputi pagka malaki na sya. Wag mo nalang muna galawin balat nya dahil sensitive pa ang balat nila.. kung maputi ka naman or ang asawa mo, tyak naman pagmamanahan yan ng anak mo. ๐Ÿ’•

VIP Member

Sa genes nakukuha ang color ni baby. Meron naman mga baby na pumuputi after a few months gaya nung anak ko. Biglang pumuti nung tumaba na siya mga 3 months. Wala ako ipinahid or inilagaya. Maputi din naman kasi daddy nya and hindi din ako ganun ka morena.

Kung same kayo ng mister mo sis moreno, moreno maging ganun din kulay ni baby. Wala sa kulay ang ganda O kagwapohan ni baby. Lahat ng tao may kakaibang angking ganda. Kung marunong lang tayo mag appreciate makikita naten yan. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

VIP Member

Milk plus rice na lotion johnson.. Pero magbabago p naman yan.. Ako kasi maputi at tatay ni baby maitim.. Nakuha nya kulay ng tatay nya. Pero okay lang.. 6 years old na ate, nagbago na kulay nya.. Kasi nagaayos na sya eh..

mosmh be proud sa anak mo! You don't need to change your baby's color just to please everybody. Sorry po pero na feel ko lg slightly disappointed ka sa color niya sainyo naman mag asawa nag mana yan.

Wala po soap or lotion na nakakaputi sis.kasi kung ano po kulay ni baby lalabas tlaga yun. Para ma maintain ang soft and soften and light skin cetaphil,lactacyd, and aveeno is my recommendation.