Eat cerelac

Mga momshie tnung lang po ako bibili ako ng cerelac for my lo 4 months cerelac na rice nd soya at tyaka banana.. Sa isang araw poba mga momshie tatlong beses din pakainin si baby morning, noon and evening? Tyaka daoat ung oras sakto po? Paanu po kung dipa nagigising? Tyaka po may pwede bang ipakain sa kanya pag hapon? #1stimemom #firstbaby

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Twice a day lang muna pagfirst time kakain si baby mommy. Mas okay po 6 months nyo na istart or if reading ready na si baby kumain. Meaning nagpapakita na po sya ng readiness at kaya na po nya ang ulo nya tsaka if pagpinaupo nyo po sya.. kaya na nya yung katawan nya na nakadiretso. Yun po kase yung mga chineck ng pedia before nya kame bigyan ng go cignal para pakainin si baby. Pagfirst time.. mas okay din po na 1 food lang muna per feeding. Ang advise ng pedia lugaw daw po muna. May 3 days rule po syang sinabe wherein dapat po for 3 consecutive days un lang munang food na yun ang ibibigay. Para macheck din po if magkakaallergic reaction kay baby. Pagnapatry nyo na po lahat ng gulay, tsaka pa lang po kayo magmimix mix. Kung gusto nyo po mag offer ng cerelac, yung single flavor lang po muna. Pero mas okay mommy if natural veges at fruits na po muna ang offer mo kay baby para masanay po sya sa natural na lasa ng mga gulay. Maiiwasan po maging maselan paglaki.

Magbasa pa