wala na si baby ?

Hello mga momshie, sobrang nakakalungkot at sobrang sakit na malaman na si baby ay mawawala na??ako po ay 13weeks and 2days na buntis at dahil ng spotting ako kaya nirequire ako magpalaboratory at magpa transV, excited pa ako nakaready na ung phone ko para irecord ko ung heartbeat ?nya pro sad walang heartbeat si baby, dun din nakita na nagstop na sya magdevelop simula 2months. Hindi ma absorb ng utak ko na wala na sya, ayoko pa sya bitawan pro wala na sya. Mahal na mahal kita baby pro di mo na kinaya. Sorry ginawa nman ni mommy? sobrang lungkot ko walang katumbas ang sakit, pro dahil di na kinaya ni baby tayanggapin ko, anak paalam ? isosoli nakita kay God bantayan mo si mommy...iloveyou anak!

wala na si baby ?
90 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako sis april 8 start ng bleeding dhl sa utz ko early pregnancy sabi ni doc bka ngkamali lang ako sa lmp ko kaya un pinagtake muna nya ko pampakapit then bedrest kaso d ngstop yung bleeding tho mahina lang nmn april 13 bleed parin kaya yun ngpasya c doc n paadmit nko para mas ma monitor kala ko ok na kc sa tvs my yolk sac n dw and yun start para madevelop c bb kaya pinatuloy ulit yung pampakapit april 15 sabi ko ky doc labas n kmi and sa bahay ko nlang ituloy bedrest that day kc d n din ako ngtake nung pampakapit kc tapos na yung 1wk ko na pagtake..labas n sana kmi kaso feeling ko my gusto lumabas sa my private part ko and madalas n pagihi ko lumakas din yung bleed ko kaya yun pagcheck ni doc dmi ko na bloodclot sa loob nilabas ni doc lahat yun then pinaemergency utz tvs nmn ako pag msg sakin ni doc wala n yung sac blighted ovum dw tlg sya kaya yun that day april 15 around 5pm sked n nya ko 4 D&C.

Magbasa pa
5y ago

Pakatatag ka lang..ibibigay din ni god yung para satin..

Same thing happened to me 3yrs ago. I was about to undergo transv to check the baby but unfortunately my baby doesn't have a heartbeat. I went to asian hospital for second opinion but the result was still the same. I feel so sad and frustrated because i am ready to continue my pregnancy and want to keep the child... But, God has a plan for not allowing my baby to be born. Its really hard to accept and there is no word to fill in my emptiness. I always cry everytime i think about my poor little baby. Until now, I always pray for my baby's soul and sometimes ask myself what i have done wrong. I know she/he's an angel now and always guiding me. Im sorry for your loss momshie. Always remember that everything happens for a reason. Have faith in God and He will bless you another baby when the right time comes.

Magbasa pa
5y ago

❤ thankyou, pareho tyo ng mga sinabi masama ba akong tao? Pro sabi ko nga sino ba ako pra iquestion si God ako na tong humingi at binigay din nman nya agad sa mismo buwan ng birthday ko, at alam ko na bago ako masaktan sya muna, bago pa ako yakapin ng tao sya muna ang yumakap sa akin, masakit sobra walang kasing sakit araw araw ako umiiyak im 40 yrs of age and almost half of my life hinintay ko sya dumating pro di rin nagtagal...sabi ko nlang sa sarili ko siguro binigay sya saken ni God upang iparamdam kung paano maging isang ina at naramdam ko gaano kasarap.mahal na mahal ko si baby higit pa sa buhay ko tpos na ang oag aalaga ko sa kanya ngaun sya nman ang mag guide sa akin. Pinappray ko na patatagun nya ako.

VIP Member

I am sorry for your loss. Masakit yan. Naransan ko yan last 2018, supposed to be second baby ko, kaso nagspotting ako and lahat ng matatanda na napagtanungan ko ang sagot sakin "Normal lang" at baka nagbabawas lang ako Pero nung na ultrasound, wala ng trace si baby. Although sa HCG blood ko is positive pa din. So ngayun sa pagbubuntis ko, nag mild spotting lang ako, kahit na delikado sa covid, nagpadala agad ako sa hospital at tinawagan ko OB ko, sa takot na maulit ulit ang nangyari :( nakakatawa kasi 3rd month ko palng at pasampa sa 2nd tri pero 3 na din ang ultrasounds ko, an may appointment pa ako na ultrasound sa May 14. Dibale ng magastos, atleast monitored ang baby.

Magbasa pa

Hugs to you mommy. Ako rin babalik kasi blighted ovum naman sakin. Wala pang fetal pole nakita then 1 month na ko nag bbrown spotting kahit binigyan na ko duphaston/duvadilan. Feeling ko kahit binigyan ako 2 weeks para umasa wala na rin. Bukas sched ko for trans v and i'm preparing myself sa result. 1st time ko magkaron failed pregnancy kung sakali. Ayaw kasi mag stop spotting ko kahit walang heavy bleeding or clots. Hindi na ko naasa na meron pa kong aasahan na pregnancy. 😢

Magbasa pa
5y ago

It's okay lang mommy. Things like this happens. Nung una di ko pa matanggap. Pero as days passed by, parang unti unti ko na rin tinatanggap na posible pala to. Nangyayari pala talaga sya at maeexperience ko pala sya. God's timing is always perfect. His will shall always be done. Stay strong to us mommy! Kaya natin to.

VIP Member

Virtual hugs for u mom and dad, let your body heal completely may plano ang diyos para sa inyo ganyan din po ako noon 8weeks pero nagstop to develop on 5weeks 6days nag spotting din ako brown which is alarming pala and akala ko ok lng kc wala din masakit sakin. But i learned my lessons from that experienced. After 2months God bestowed us another blessing nagbuntis ako after nagpositive sa pt monthly na ako bumibisita sa OB😊 im currently 22weeks now. TO GOD BE ALL THE GLORY🙏

Magbasa pa
5y ago

Yes sis wag mawalan ng pag-asa. ako noon sa kabila ng lungkot naming mag asawa dahil 6years nmin hnintay c baby at may edad narin ako ang inisip ko nalang ni ready lang ako ni GOD for another blessing na dapat kong ingatan😇Im sure ganun din sainyo momsh in gods perfect time you will concieve again😘🙏

Awww..hugs mommy.. wala ng mas masakit pa sa mawalan ng anak.. Ako mommy last april 15 na D&C ako base sa lmp ko 12 to 13weeks preg ako but sa mga utz &tvs 8weeks and gs and yolk sac plang sya no fetal hb..ngstart kc din ako mgbleed ng april 13 kahit alam ko 10% lang ang chance ko mabuo sya d nmin sya binitawan gang sa kusa na sya lumabas..i feel u sis malungkot sobrang masakit..take mo lang positive angel nmn n cla ngaun..cguro hindi cla para satin and my plan pa c god..

Magbasa pa
5y ago

Ou sis..take mo lang positive..ako naicp ko nlang nun mga anak ko na nghihintay sakin..grabe din iyak ko..khit ngaun mg iisang buwan na hirap pa ko magmove on naiisip ko parin c bb..

Condolence sis.. 🙏Halos. Same lang tau 14 weeks na ko. Preggy.. Nagspotting din ako sabi nun Hospital Yun Quirino Medical Center sa Q. C na pinuntahn ko ngpa. ER agad ako wla na baby ko kasi pinagp. T ako negative pero hindi ako naniniwla kasi rmdm ko pa sya buti ngpasecond opinion ako sa healthway medical. Center.. Thanka God my baby is Safe and malaks heartbeat.. Kaso mababa tlga ang bahay bata ko kya tlga doble ingat

Magbasa pa
5y ago

Congrtas to you mommy Lynnjen, para talaga syo si baby alagaan mo sya mabuti, keep safe.

Ganyan din po ako nung una. 6weeks wala daw syang heartbeat , pkaya niresetahan ako ng (duvadilan , duphaston) pampakapit at vitamins na folic acid , pag uwi ko galing mag pacheckup mangiyak iyak ako .after 2weeks nag pa transV ako ulit. At naging resulta ng heart rate nya 162per mins. tuwang tuwa ako nun. 😇 lagi ako na nalangin at salamat dininig ng ama panalangin ko. Share ko lang po.

Magbasa pa
5y ago

First check up ko, isang beses palang ako nagpatranv

Condolence sis... Tanggapin ang mga bagay na nangyayare! Hindi ipagkakaloob sayo kung alam ni Papa God na hindi mo kakayanin.. Ako nga ay 3x nawalan ng babies.. 22-28weeks ay nagsstop yung heartbeat nila kasi nirereject sila ng body ko! Kapag malalaki na sila sa loob ng tummy ko ,yung body ko see them as bacteria.. Still ,di naman ako nawalan ng pag-asa.. I have my miracle baby now🙏

Magbasa pa
5y ago

Yes sis ,God is good❤️ Magtiwala lang tayo sa kanya! Alam kong may mas maganda xang plan for you.. In God’s perfect time ,ipagkakaloob nia ulit kung anong nawala sayo☝️🙏☺️

Ganyan din po ako sa 1st baby ko...mahirap po pero pray ka lang po...inisip ko na lang na di talaga sya para sa amin guardian angel namin..bibigyan ka ng GOD magtiwala ka lang..after ko magkaganyan ilang mos.lang nag buntis ulit ako turning 6 yrs.old na po..then ngayon po preggy po ulit ako 9 weeks 🥰🥰🥰 pray lang po.God bless po 🥰🥰🥰

Magbasa pa
5y ago

Salamat