uti
Mga momshie may mild uti po ako. Ung prescription po sakin cefalexin 500mg 3xa day for 7days. Sabi po ng hipag ko pag umiinom daw po ng pang uti dapat daw may pampakapit din na meds na iniinom. Wala naman pong pangpapakapit na nereseta. Puro po vits and med ko for highblood plus eto nga pong pang u.t.i. cno mo dito may experience na pang uti lang iniinom walang pampakapit?
Pareho tayo mommy uminum din ako ng anti biotic 4months tyan ko nun and cefuroxime nireseta sa kin..no need naman na ng pampakapit unless if u need talaga nun..alam yan ng ob kung makakasama sa buntis or hindi..just continue taking your vitamins yun ang mahalaga para sayo at ky baby..and try to drink more water yung more than 8glasses a day kc ganyan ginawa ko pinipilit ko maubos yung pitsel ng tubig sa isang araw..hehehe..then kung merun may nagtitinda ng buko jn sanio.makakatulong din yun 🙂 prone kc tayong mga buntis sa uti tlga..
Magbasa paAko din po may UTai Cefuroxime din po nireseta sakin ng ob ko at binigyan din po ako ng pampakapit. Parehas 2x a day ko po iniinom yang dalawa sa loob ng 1week after ko po maubos yun nagpatest ako ulit ng urinalysis ko meron pa rin po ako pero hindi nako nagpareseta ng gamot, umiinom nalang po ako ng buko juice and more on water nalang po ginawa ko 🙏
Magbasa paSis sundin mo si OB. kung ano instructions nya un lang gawin mo. magkakaiba naman mga buntis pag nagka uti...ako nag ka UTI ako pero wala naman binigay pampakapit..siguro sa case ng hipag mo may spotting din sya kaya need nya ng pampakapit.
Akoamsh nag take din ako ng ganyan noon wala naman niresta na pampakapit naging safe naman si baby sa loob at wala naman syang abnormalities, ang taba taba pa nya nung lumabas sya hehe, ngayon 6 months old na si baby ko 💚
Wla din naman pampakapit nung time nagtake aq nang antibiotic for uti sis. Dpende yan sa situation kasi. Follow and trust ur ob lang. Do not miss lang ur prescribed vitamins like folic. Yun yung nkakatulong kay baby.
Ganyan din niresita SA akin Ng Dr.ko nong Tuesday Sabi kasi may mild UTI daw ako wala namang niresitang pampakapit din pero Hindi ko sya binili Kasi natatakot ako iniinom ko nalang sya Ng maraming tubig😊
Same here. Kakauwi lang galing ob ko. Niresetahan nya ako cefalexin dahil may mild uti ako. 3x a day din and 1 wk ko inuman. Hehe. Wala naman syang pinabili na pampakapit so meaning, ayos lang inumin ate.
Cefalexin is safe for pregnancy. Bibigyan lang po kayo ng pampakapit if threatened yung pregnancy nyo. Follow your doctor's advice and make sure to complete your antibiotics para gumaling po kayo.
ako po nagtatake ng cefuroxime para din po sa uti taas ng sugar at may nana ako sa urine ko wala naman po bngay na pampakapit ksi po ok po ang baby ko high lying naman sya btw im 32 weeks pregnant
Ako po nagka uti nung June, super sakit ng likod at tyan ko as in hindi ako makatayo, makhiga at makaupo. Nakyuko ako pag naglalakad, niresetahan ako ng paracetamol for pain at co amoxiclav.