kasal

Hello mga momshie, meron po ba sainyo dito na wag muna daw magpakasal sabi ng kapitbahay mo? (kasing age mo lang) kase mas maganda daw kung kilalanin mo padaw lalo yung patner mo? Kase sila ng patner nya nagkakalabuan na, tapos lagi sinasabi saken na magagaya daw ako sa kanya. Which is malayong malayo yung patner ko sa asawa nya. Kase yung asawa nya di maiwan ang barkada at lagi gala. Eh ang patner ko naman is laging nasa work at di naman ako pinapabayaan. Diko alam kung naiinggit sya samen kase maganda pagsasama namen. thankyou po sa sasagot

109 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Actually I also recommend sa friends ko magsama muna before magpakasal. Sampung taon na kami ng bf ko muna before kami nagsama. And it was my idea. During that time may mga ugali siya na noon ko lang nakita, di ko alam un sa loob ng 10 taon. At natanong ko sa sarili ko if kaya ko intindihin ung mga ugali niyang un kapag pinakasalan ko siya. I decided kaya ko naman kag adjust dun sa mga ugali niyang di ko gusto. Married na kami ngayon. Wag mo masamain ung payo ng friend mo, wag mo personalin, higit sa lahat hindi siya inggit sayo. Ayaw niya lang mangyari sayo ung nangyari sa kanya. Di mo talaga makikilala ng husto ang tao hanggat di mo nakakasama sa iisang bubong.

Magbasa pa
5y ago

yeah right!😌 kaya kmi ng mister ko nagsama muna ng 12years saka nag pakasal😌 15years going strong parin kmi..