bad dream

Lagi nalang ako nanaginip na di maganda sa patner ko :( nandyan na yung may katext syang iba,tapos napipilitan lang syang umuwi samin :( . Natatakot ako na baka dumating yung time na maging ganon sya(pero wag naman sana :( ) kayo ba mga momshie may time na ganyan panaginip nyo ??

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganun din ako mommy first tri. Umuwi si partner sa bansa nila. At nag stay ako sa family ko. Napapanaginipan ko na pag balik nya sa Pinas, may kinatagpo daw muna sya sa Manila bago dumiritso sa akin. At nakikita ko talaga yung babae. Chubby at mahaba buhok. Ganun palagi panaginip ko. May ibang babae sya. Iyak daw ako ng iyak. Tapos kapag nag uusap kami sinasabi ko sa kanya yun. Sinasabi nya lang wala naman daw rason para managinip ako ng ganyan. At ease naman ako na wala talaga. Siguro stress lang yun dala ng pagbubuntis.

Magbasa pa

Ganyan din ako mamsh nung nagbubuntis. Andyan yung nakipagbalikan sya sa ex nya, may iba syang babae na nagugustuhan tas meron pa yung pinagpalit nya ko sa bestfriend ko. 😂😂 Pero wag ka magpaapekto masyado mamsh. Panaginip lang naman yun. Just trust your partner lang.

ganyan din ako mommy nun buntis ako napanaginipan ko pa nga na nilampaso ko daw yun isang babae kse manganganak na daw ako dun sa panaginip ko tapos nilalandi yun asawa ko tas paggising ko nagulat ako kse nananaginip lang pala ako 😂

me too mamsh. siguro psychologically sa dami ng nangyyaring changes sa body naten while pregnant, may times talaga na napapanaginipan naten na may iba si mister or what. Nagppray na lang ako na sana d ko na sya mapanaginipan ulet.

VIP Member

Gnyan dn aq sis..Kya puro duda dn aq. Kasu naisip ko naiistress lng aq. Kya aun hinayaan ko nlng sya and wla aqng paki Kung magloko sya Ang priority ko ay Ang baby ko.

VIP Member

Naku, ako din. Minsan nagiging bad mood ang paggising dahil sa ganyang panaginip.tinatanong ko agad siya meron na ba siyang nagugustuhang iba. Nakakaworry talaga.

Ako once ko lang napanaginipan na may iba daw yung partner ko.. sya ang madalas managinip na ikakasal daw kami or binyag na ni baby😂😂😂

Kaya minsan kapag kinukwento ko sa kanya lagi nya saken sinasabi na lagi daw ako advance mag isip.

VIP Member

Ako din po haha pero inaayaan ko lang baka ma stress ako eh😅

Ako po momsh nag iisip ako ng negative sa partner ko. :(