kasal

Hello mga momshie, meron po ba sainyo dito na wag muna daw magpakasal sabi ng kapitbahay mo? (kasing age mo lang) kase mas maganda daw kung kilalanin mo padaw lalo yung patner mo? Kase sila ng patner nya nagkakalabuan na, tapos lagi sinasabi saken na magagaya daw ako sa kanya. Which is malayong malayo yung patner ko sa asawa nya. Kase yung asawa nya di maiwan ang barkada at lagi gala. Eh ang patner ko naman is laging nasa work at di naman ako pinapabayaan. Diko alam kung naiinggit sya samen kase maganda pagsasama namen. thankyou po sa sasagot

109 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I think concern lang po siya sayo. Wala namang masama dun, sinabi niya lang or inadvice niya based on her experience kaya niya sinabi yun sayo. Nasa sayo parin naman po yun kung itutuloy o magpapakasal ka. May point naman siya na kilalanin muna lalo na kung bago palang kayo. Kahit pa maayos o alam mong nagtatrabaho asawa mo hindi mo parin maiiwasan mag isip lalo na pag nagtagal kayo. Maraming magbabago. Swerte mo po kung consistent yang partner mo. Wala yun sa inggit kasi kung inggit siya sayo hindi ganon approach niya.

Magbasa pa