kasal

Hello mga momshie, meron po ba sainyo dito na wag muna daw magpakasal sabi ng kapitbahay mo? (kasing age mo lang) kase mas maganda daw kung kilalanin mo padaw lalo yung patner mo? Kase sila ng patner nya nagkakalabuan na, tapos lagi sinasabi saken na magagaya daw ako sa kanya. Which is malayong malayo yung patner ko sa asawa nya. Kase yung asawa nya di maiwan ang barkada at lagi gala. Eh ang patner ko naman is laging nasa work at di naman ako pinapabayaan. Diko alam kung naiinggit sya samen kase maganda pagsasama namen. thankyou po sa sasagot

109 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

for me mas okay sakin na ikasal na kayo, dati ganyan din pananaw ko, wag muna ikasal at kilalanin muna, eh buntis na tayo momsh. Need natin ng kasiguraduhan. In my own opinion po, gusto kong ikasal na kami hopefully next year para ma-sure ko future ng baby ko, magloko man sya may laban ako, hindi nya pwedeng hindi sustentuhan baby ko if ever magkalabuan kami, obigasyon nya yon, pag hindi kasi kayo kasal pwede nyang takasan responsibilidad nya kasi wala naman kayong pinanghahawakang legal eh, o kung mangbabae man sya, magsama sila ng kabit nya, wala silang mapapala, kabit sya forever at yung magiging anak nila anak sa labas forever (opinyon ko lang po ito...wala po sanang violent reaction)

Magbasa pa
7y ago

Oo nga momsh. Para ok na lahat 😊😊