kasal

Hello mga momshie, meron po ba sainyo dito na wag muna daw magpakasal sabi ng kapitbahay mo? (kasing age mo lang) kase mas maganda daw kung kilalanin mo padaw lalo yung patner mo? Kase sila ng patner nya nagkakalabuan na, tapos lagi sinasabi saken na magagaya daw ako sa kanya. Which is malayong malayo yung patner ko sa asawa nya. Kase yung asawa nya di maiwan ang barkada at lagi gala. Eh ang patner ko naman is laging nasa work at di naman ako pinapabayaan. Diko alam kung naiinggit sya samen kase maganda pagsasama namen. thankyou po sa sasagot

109 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nasa inyo po yan kung maniniwala po kayo sa kanya kasi tulad niyan marami pagkakaiba nyo sa kanila so malaking posibilidad na hindi kayo magagaya sa kanila..

Pareho din tayo sis, dami nag sasabe saken na mas better kung makikilala mo pa lalo yung partner mo :) para wala din tayong pag sisihan sa huli.

Hindi naman po lahat ng story about sa pagpapakasal ay pareparehas. Iba iba po ang kwento natin sa buhay kaya huwag ka po makinig sa kapitbahay niyo po

For me magandang magpakasal kayo stay positive lang ganyan talaga saka kung alam mo sa sarili mong loyal si hubby at ikaw ang inuuna edi go hehehe

Pag pinaksalan mo mona sya .. till death do us part. Wag mo nlng msamain ung payo nya maganda din kilalanin mo sya nang mabuti bago mag paksal .

knowing your partners background is good.. pero yung matutulad ka sakanya e hindi naman kayo pareho ng tadhana.. and you know your self evenmore..

7y ago

Kaya nga e. Kaya sabi ko sa kanYa MAGKAIBA TAYO NG ISIP NG ASAWA NATEN.

Kung financially, emotionally and psychologically ready na kayo at nasa tamang edad, kayong magpartner ang magdecide kung magpapakasal kayo.

Bakit ka naman makikinig sa kanya??? Buhay mo yan kaya ikaw magdesisyon sa sarili mong buhay... Hindi naman kayo parehas ng kapalaran eh...

Sabihin mo sa kanya maghanap sya kausap. Ayy jusko ako ang naha-highblood dyan sa kapitbahay mo!!! San address nyo ng mabisita nga yan!

VIP Member

Wag ka makinig sa kanya, it’s your life. Ikaw at ang partner mo ang magpapakasal sa isa’t isa, labas na sila sa marriage niyo if ever. :)

5y ago

yes hindi mo naman magulang yung neighbor mo. wag ka makikinig sa negative na sinasabi niya.