Pag inom ng mga ibat ibang gamot

Hi mga momshie Im 11 weeks pregnant po , nag away po kasi kami ng hubby ko sabi niya ipalaglag ang bata sa sobrang galit niya , sa sobrang galit ko nawala nako sa focus umiinom ako ng vit c, mefenamic,Ibuprofen, paracetamol at amoxicillin at the same time. Worried po ako kung magkabirthdefects yung bata. Na guilty po ako at hiniwalayan ko asawa ko..#pleasehelp

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag na wag niyo pong idadamay si baby sa kahit na anong away niyong mag-partner. Kasi una sa lahat walang kasalanan sa inyong dalawa si baby, hindi niya ginustong mabuo, kayong dalawa ang gumustong mabuo yan. Ganyan din kami ng partner ko, 1st month of my pregnancy hanggang ngayong manganganak na ko, hiwalayan kami every month, halos isumpa na namin ang isa't isa. Pero despite everything hindi ko man po naisip na inuman ng kung ano-anong gamot si baby, nagkalagnat pa ko ni hindi ako uminom ng kahit anong gamot even biogesic. Think first mommy, ang asawa anytime yan dadating pero ang anak, ang dami pong gustong magkaanak. 39 weeks ko na ngayon, si baby yung pinanghuhugutan ko ng lakas ng loob sa lahat ng pinagdaanan ko for 9 months.

Magbasa pa

nako mommy kami po pagnagkaka-misundertanding ni hubby di ko siya pinapansin hinahayaan ko lang magdadal kasi minsan po nagsasalubong yung mood natin sa kanila lalo na po kapag galing sila sa work at di maganda ang environment ng kanilang office kaya mas mabuti yung isa sa inyo wag na lang gatungan then after mga ilang oras mag usap po ulit kayo di rin po kasi maiwasan na nay masabi sila out of their emotion kaya dapat po talaga isa sa inyo mahaba pasensya and also lagi niyo pong iisipin na hindi lang kayo ang masstress kundi pwede rin makaapekto sa dinadala niyo.

Magbasa pa

Huwag nio naman po sanang dalawa idamay yung bata jusmiyo 😭😭😭 bawal na bawal po yung ibuprofen at mefenamic bka magka defect po yung baby sana po nxt time control nio po at isipin ang mkkbubuti pra sa yo at s baby 😞 sa ngayon nangyari na wala na tayong mggagawa pa consult p kayo s ob nio kung ano pwede pong gawin 😞 sana ok lg c baby. Prang nasasaktan dn ako mommy kasi same tayo 11 weeks 🙏🏻

Magbasa pa

Grabeeeee. Wag niyo naman po sanang idamay yung walang kamuang muang na baby dahil lang sa away niyo ng partner niyo.. Napaka dami pong gustong magka anak ng normal at malusog, pero isa kayo sa maswerte na nabiyayaan.😭😭😭 Consult your OB, Magpa CAS (Congenital Anomaly Scan) ka para masure mo na walang birth defects ang baby mo.

Magbasa pa
VIP Member

Inform your ob po, and magpa CAS ka pag 24weeks ka na to check if naka affect kay baby yung mga meds na nainom mo. Sa susunod niyo pong away wag niyo nalang siya pansinin kasi masstress lang kayo and madadamay si baby kasi di niyo po kaya mahandle yung emotions niyo.

Hindi po dapat gumagawa ng desisyon kapag nakakaramdam ng intense emotions. Sa ginawa nyong mag-asawa, pinatunayan nyo lang po na immature kayo pareho. Nakakaawa ang walang malay na bata. Mainam po magpa-consult kayo agad at aminin nyo po yang ginawa nyo sa OB.

Blessing po ang baby nyo mommy. Nabuo po siya for a purpose sa buhay nyo ❤️ Wag po kayo magdecide agad pag galit. Relax lang po mommy, pahupain nyo po ang galit nyo at ipagpray naten na maging okay din ang lahat.

TapFluencer

ipagdasal nyo nlng po na walang epekto yun sa bata kasi ako nag away din kami ng asawa ko kahit na sinasabi ko na iinom ako hinding hindi ko tlga sya ginawa tinatakot ko lng sya pa check ka na rin po

Una sa lahat magpa consult ka agad sa Ob sabhin mo concerns mo, pangalawa wag na wag mong sisisihin ang baby mo kase wala pang alam nyan malay nya ba sa pagaaway nyo, 3rd. wag mo na po ulitin yn

engot ka pala eh.. di pala kayo handa nag chuk chak chenes chenelyn kayo. tas iinom ka ng alam mong makaka sana sa anak mo. harujusko