C-section

Hi mga momshie. Hindi ko na po alam ang gagawin natatakot ako. Meron po ba sainyong nakaranas ng ganito ano pong ginawa at ininom nyo? Hindi po kase ako agad makapunta ng hosp bukod sa malayu wala din kaming pera . Natatakot akong ipopen ulit at tahiin ulit dahil alam kong malaking gastos ito. Pls answer asap?

C-section
146 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mukang nainfect po kayo sis. Kelan po ba nagstart? Baka din po may mali sa ginawa ng staffs ng hospital (the way they clean or anything suspicious). If proven na sila nagcause or trigger ng infection, pwede po ilaban sa korte for malpractice. Hindi po ba nabasa yung sugat after operation?

Nag kaganyan sakin... D nmn tinahi ulit, pinag pahinga at iwas galaw ng galaw para gumaling agad. Di ko lang maalala kung pinag antibiotic ulit ako. May mga online consultation ng doctors sa fb ngayon, libre naman yun. Pwede ka mag search sa fb, c doc willie ong ata nag eentertain.

Try u po maglaga ng bayabas at lagyan ng kunting asin, un po ang ipanghugas u..and pahanginan u lang po, bago u po pala hugasan ng bayabas, try to press a bit kasi may nana na po yan sa loob..after po nyan if hindi p po maging ok, pa check up n po kau..nagkaganyan din po sakin dati.

5y ago

Momsh ilang weeks po bago nag hilom sainyo? Ngayon nag tatake na ko ng antibiotic yung nireseta sakin ng dr ko. Natatakot ako na baka tahiin ulit sya . Wala na kase kaming pera😭

Consult kna po sa doctor..bka po ma infection ehh..mas konti po magagastos mo qng ipapatahi mo yan ulit at bibili ka ng irereseta saung gamot..kesa po ma infection ka lalong gagastos ka nun..di po nakakamatay ang pag patahi ulit..ang nakakamatay po ang infection..🙂

Hi. It also happened to me sis and tingin ko kaya nagkaganun is hndi ko natapos inumin antibiotic ko after ko manganak. Di na ako nagpacheck up sa doctor ko ang ginawa ko lang tinapos ko antibiotic ko and after few days natuyo at nagsara dn ule

pacheckup na agad mommy. yung kakilala ko, ang bilis nya lang nadischarge from cs sa hospital pero dahil napabayaan sugat nya, nainfect at dun pa sya tuloy umabot ng 1 month sa hospital. pacheckup na po agad para maagapan ng meds and ointment lang..

Ilang buwan k n b? May ginawa ka ba na ika oopen ng tahi mo? Like pinuwersa mo sarili mo. Ibalik mo yan sa doctor na nagpa anak sayo. Importante na mareport yan. Open eh. Kung wala u pera, patulong ka s brgy captain nyo padala s ospital.

5y ago

Baka natagtag sa byahe. Napwersa. Taz bk hindi k p nk binder. Or depende sa pagkakatahi ng ob mo. Ibalik mo sa nagpaanak sayo or sa ibang ob. Pa check mo na asap.

Yung akin mumsh parang nagkaron ng pimples. Kung hnd ka agad makapunta ng doctor, iwasan mo muna basain. Kung lilinisin mo naman betadine wash nlng, ung feminine wash. Saka wag ka muna magbubuhat ng mabigat. Wag kakain nang malansa.

I'm a nurse.pls punta ka na po agad sa pinakamalapit na ospital.bumuka po tahi mo and mukang may nana sya..infected na po sya.wag mo po patagalin.delikado po yan.wag mo muna isipin ang pera,buhay mo nakasalalay jan maam.

5y ago

Depende po sa extent ng infected skin maam.lilinisin po kasi yan maam aalisin yung infected na skin.aalisin mga nana.dapat malinis po kasi at dry lagi ang incision site for better and fast healing.pag pinatagal mas kakalat ang infection.

VIP Member

Naku mukhang delikado yan mamsh kasi cs din ako sa dalawang baby ko pero Hindi ko po naranasan yan. Once may nabasa ako na ganyan ang nangyari parang need siyang tahiin ulit po. Patingnan mo po agad kasi baka mas lumala po.