Buntis agad pagkatapos ma caesarian.
May katulad ko din po ba na ganito karanasan dito? Alam ko pong may fault din kami . At gusto ko po sana na magkalakas loob paano ulit magpapatuloy . Gabi gabi na lang po akong umiiyak kasi naiisip ko na baka masyadong delikado . 6 months pa lang po after ko manganak . At natatakot ako dahil alam kong kritikal pero naging pabaya po kami. Gusto ko pong ituloy to pero natatakot po akong sa posibleng mangyayare . Hindi pa rin po ako bumabalik sa OB ko . Sa anak ko na lang po ako kumukuha ng lakas ng loob. Natatakot din po kasi akong iopen sa iba dahil po alam ko mas mauuna paninisi .