nakakastress na mga kamag anak.
Mga momshie bibinyagan na po baby ko. May place and date na po kmi na pili ng hubby ko. Ang nakakaasar lang etong mga kamag anak ko mga demanding pa. Gusto nila sa buffet pa. Like hello 600 per head. 70 pax ang bisita namin mag asawa. Ang napili po nmin mag asawa is sa per table kainan lang po. Dahil simple lang gusto namin. Nakakastress po sila. At nakakahiya sa asawa ko. Since asawa ko po mag babayad. Ayoko naman po gumastos kmi ng 50k para lang sa binyag. Kesyo sabi nila. Wag ko daw tipirin anak ko panganay pa, ganun ganun. Haaaaay.