sobra mag laway.

mga momshie ask lang po. ganto rin ba baby nyo yung baby ko turning 3months plang pero grabe na sya mag laway tipong kahit tulog tutulo laway at minsan pa nasasamid dahil nalulunod sa laway nya at pag gising naman nababasa mga damit nya dhil natulo ang laway nya. sguro mag 2monthd na sya nag lalaway kaya ayoko rin iwan magisa minsan kase ndi na tlga mkahinga napakaraming laway naiipon sa loob ng bunganga specialy kapag tulog. may same cases ba dto. tha kyou

136 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Scientific based po normal lang na mag laway ang bata dahil hindi pa po fully developed ang swallowing at muscles nila sa mouth. Wag po kayo maniniwala na pag maaga naibangon magtutulo laway po. Nurse here

6mo ago

Baby ko nga po sadyang nilalaro laway niya...

same here 3 months na din baby ko naglalaway din pero nung 2months half sya nag umpisa ang paglalaway nya then nagbago ugali nya patayo na sya magpakarga ayaw ng pahiga..

2mo ago

same na same hahaha

VIP Member

ganyan din po baby ko 3 mos din po siya 6.4kg pure bf grabe rin maglaway, gusto lagi nakaupo at tayo na ayaw ng pahiga. binilhan po na po namin ng baby carrier kasi kaya niya naman na po ang ulo niyang itayo ng matagal kaso grabe po maglaway kaya lagi siyang may bib tsaka lungarin siya at sinukin. #firsttimemom

Magbasa pa
5mo ago

same here po..nakakatulog na rin ng ayos..di na puyat masyado😅

VIP Member

Nung nag pa check up kami ni baby sa pedia may isang lola dun ng patient nakita nya patayo ko kinarga si baby kasi un talaga like ni baby dahil nung time na un umiyak si baby sabay sabi ni lola wag ko daw ganun ang pag cuddle kay baby kasi magiging tulo tulo laway. Kaya napasabi pa ako nun na hala sana wag naman. Thank God 1month and 11days si baby ngaun hindi ko pa sya nakikitaan ng excessive ung pag lalaway nya

Magbasa pa
1y ago

mga 2 months Yan mommy

Nangyayari din ito sa baby ko, nabubulunan sa sariling laway habang tulog kaya nagigising siya tapos parang hirap na hirap buti at gising ako palagi kapag nangyayari yun kaya naibabangon ko siya agad kaya worried ako kasi paano kapag nangyari yun ng tulog ako 😭 hindi ko siya tinatagilid ng tulog kasi mas safe daw ang nakatihaya lang kaso ayun nga nabubulunan pa din siya kasi yung mukha niya hinaharap niya, paano kaya magandang gawin?n

Magbasa pa
1y ago

3months n din kambal q, nglalaway nga sila ngaun npansin q sabi normal lng dw un sa ganito month nila, pero thank god po di sila nsasamid sa laway nila pg tulog.. kc parang nkktakot nga.. nsasamid lng sila minsan pg breastfeeding kc lumlakas gatas.. thank u lord kc healthy nmn kambal q. 😘😘

Mga momshie di naman po sa wag tayo maniwala sa matatanda, kasabihan lang po yun na pinaaga ng tayong karga kaya panay tulo ng laway. Its common for baby po yun , nagdedevelop na swallowing nya or hindi pa nagdedevelop kaya ganun po. Kasi kung paniniwalaan nyo mga kasabihan ng matanda, yung development naman ng muscle ni baby ang mawawala at physical attachment nila sa inyo..

Magbasa pa

Dahil po yan sa dila nila mamsh, dapat po nililinisan yung dila nila kasi mahirap napo tanggalin yung gatas kapag po pinababayaan lang. Gumamit po kayo ng malinis na tela tapos lagyan nyo ng maligamgam na tubig tsaka nyo ilinis sa dila nya. May mga times na nalalagkitan sila or hindi masyadong dumedede dahil din yan sa lagkit, at kaya rin po sila naglalaway.

Magbasa pa

same mom's 😅😅 3months na din Lo ko.. actually nagpapatubo na syA Ng ipin sa baba Sabi ni mama bagang daw pero tomorrow since check up nya sa pedia nya itatanung ko na din if true na nagpapatubo na ng teeth 😅😅

Post reply image
1y ago

same din po sa baby ko. 3 mos old. sign din po ba to?

Post reply image

Hi mommies!! April po ako nanganak, bago matapos ang June patak patak nalang, then month of May, may dugo po ulit ako pero ilang araw lang. Di ko na po alam kung regla na ba yon. Tapos ngayong July po nagkaroon ako 2days spotting, then 3rd day po mejo lumakas. Regla po ba yon? Or dahil lang sa pag breastfeed ko? EBF po ako. Thank you!

Magbasa pa

naglalaway din ang baby ko ng sobra bago sya mag 2 months naglalaway na sya nauubo na rin sa dami ng laway.. pero hindi nmn sya naglalaway pag tulog ... kaya daw ganun kasi bago palang nagdedevelop ang salivary gland nila, hindi pa rin sila marunong lumunok kaya nasasamid...