Hindi nag bu-burp si baby/Minsan lang mag burp.

Hi mga momshie. Ask ko lang po, yung baby ko bihira nalang mag burp simula nag 2 months sya. Mag 3 months na sya this coming Aug 28. (Pero panay ang utot nya) After nya dumede, hinihiga ko sya sa dibdib ko for almost 1 hour, kaso di parin dumidighay. Minsan naman ginagawa ko, tumatayo ako, hinehele ko while tina-tap yung likod nya para mag burp kso ayaw pa rin talaga. Syempre nakakangawit din magbuhat ng sobrang bigat, lalo na baby ko ang laki ng dinagdag sa timbang hehe. Minsan ginagawa ko, after ko sya padedein, pagpapahingahin ko sya ng 1hr sa dibdib ko then if hindi pa rin nag burp, hinihiga ko na sya. Pero elevated yung higaan nya at naka side view. Every 30 mins chinichange ko yung position ng higa nya, from left to right and vice versa. Okay lang po kaya yung ginagawa ko? Need advise po, first time mom here. Thank you po. Ps: every 3 hrs po ang padede ko sa baby ko. After ng 3hrs (and hindi sya nakapag burp) hindi naman sya sumusuka or lumulungab. Pps: Formula milk sya.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sabi ng pedia namin, if hindi magburp basta umutot, okay lang yun. Nagrelease pa din siya ng air.

1y ago

thank you mamsh🫢

if bf, normal lang naman di madighay.