Grabe ang lala 🥴
Mga momshie ano po pwede i gamot dito simiula mag buntis ako nsg ganto na kilikili ko makati tas nangingitim itong kabila lang naman yun isa wala pls help po 😕 dont bash me po


Mas malala pa po akin jan. Kili kili, leeg, pusod, and singit biglang umitim ng nabuntis ako. Girl po baby ko. Sabi ng OB ko hindi naman totoo yan na may discoloration lang pag lalake ang anak kasi we all produce the same pregnancy hormones. Depende po daw talaga sa skin and genes ng nagbubuntis. Babalik daw din po yan sa dati pagkatapos manganak. Kaya hindi ko na po ininda kasi normal na normal daw po.
Magbasa paMi ako jusko parang pwet ng kawali kaitim. Pati singit at nagkaka warts pa sa iba't ibang bahagi ng katawan. Ang nawala lang sakin pimples sa baba na hindi nwwla before gawa ng mask. Walang remedy jan sis dahil hormones mo ang may gawa nyan. Focus ka lang sa pagpapa kahealthy para kay baby. After mo nalang manganak dun ka magbalik alindog
Magbasa paMuch better po pacheck niyo sa derma lalo na may pangangati.. Huwag po magself medicate at magpahid ng kung anu ano baka lalo po lumala.. Lalo na buntis po kayo baka may ibigay na pampahid na safe for preggy
Normal naman po yata umitim ang kilikili pag buntis. Yung iba din po pati leeg nila umiitim pero after manganak, bumabalik naman daw po sa normal. Tiis lang tayo, mommy. 🙂
totally normal momsh...sakin dati mas malala..sabi ng pamangkin ko kulay purple na daw kili kili ko.. it's the hormones..babalik din sa dati yan..enjoy the journey of being pregnant 💗
kung makati po palit k ng sabon na gamit mejo sensitive ksi skin pag buntis ganyan din skin nung buntis ako kya ginamit ko n sabon ung dove. mild lng kya d mangangati skin mo
ganyan nman po talaga kapag nanganganak Ang mga mommy, pero depende nman po Yan sa babaeng manganganak kc po ako noong nanganak ako kahit Isa sa katawan ko Walang nangitim.
mamsh, ganyan ako ngayon. sobrang nag rashes kili kili ko. good thing di naman nadamay yung batok or singit. pero sa kili kili lang grabe. sobrang kati pa
ako dahil makati nga at di mapigilan kamutin gumamit ako ng betadine skin cleanser. so far ok na sya at nag subside na din ang pangingitim
iwasan at kung maari pigilan nyo kamutin kasi lalo lang mangingitim. lotionan nyo nalang para maibsan ang pangangati (mild lotion).
Mother of 1 bouncy magician