27 Replies

Sis ako 5 yrs nag antay. Super daming pt na natry ko wala pa rin. Pero last January nag PT ako nag positive na. Ang gnawa lang namin husband ko is naging active sa exercise 30mins lang everyday. Nagulat nalang kami biglang kng kelan di ineexpect, saka binigay ni Lord 😇

ako po 3 times hilot lang..di ko nagawa magpa alaga sa ob, matagal din bago kami nakabuo,dinadaan ko nalang sa dasal..then,nung feb 22,nag PT ako kasi 3days delayed ako..and yun nagpositive..9 yrs in the making kami..mag 4months preggy na ko ngayon😊

First, Novena po sa Poong Nazareno, prayers lagi po then inom Fern D, Alkaline C, then try nyo po ung advice ni Dr Willie Ong , Calendar Method, then sabi po ng friend ko wag iihi after gawin itulog po ayun sure magkakababy na po kayo haha ☺️

VIP Member

Kami po it took us 4 yrs po, nagpa alaga po kami sa Ob last year. Bale niresetahan kami ng vitamins and mga lab tests din. Then tracking then ng fertile window and ovulation monthly. Nakabuo din kami after 4 months magpa check sa Ob.

Almost 3 years din. Nagpacheckup kaming dalawa sa ob tapos kay hubby may concern. Nirefer sya sa urologist para mabigyan ng gamot pero binigyan din kami pareho ng ob ng supplements. After 1 month nabuntis na ko.

after 9 years nabuntis din ako 😅 tagal na namin minsan dhil din sa timbang in my case medyo overweight si hubby ako naman underweight nung ma maintain namin ang weight nmin sa normal may nabuo na 😊

no. 1 prayer at sinabayan ng healthy lifestyle, kain more2 gulay at fruits, at uminom ng herbal spirulina. wag ka din po pa stress momshie ❤️❤️❤️ tiwala lang, magkaka baby din kayo 🙏🙏🙏🙏

nag take nadin pala ako ng iron folic kahit planning palang mag buntis, yun din advice ng Doctor.

Ako nga mi 6years bago ko nasundan si panganay ko. Nung nagttry kami nag aabang every month kung madelay ako di ngyayari😅 yung d namin iniexpect saka siya dumating😍

consult po kayo sa doctor para po matulongan kayo,pero ako po naniniwala si Lord lang ang nakaka alam pag dating sa pagkakaroon ng anak kung kelan nya ibibigay.

Pa OB kayo mag asawa. Para malaman bakit kayo hinde nabubuntis. Parehas kayo magpatingen. Kasi kung 5 years na at wala talaga. Isa sainyo me possible problem.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles